Kabanata 27 (continuation)

2.2K 119 28
                                    

A/N: Sa new chapter ko na nilagay ang kadugtong. D ko kasi ma-update sa previous chapter. Nagloloko yata wattpad ko. Sabi ko na nga ba at hindi lang tao ang nagloloko eh. Hays. Lol. Anyway, enjoy reading guys. ;)

***

Ali's POV

Kumikinang ang aking mga mata nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang mall. Hindi ko na kasi matandaan kung kailan ang huling tapak ko roon. Maliban kasi sa wala akong time, eh wala pa akong pera.

Masaya kong nilingon si Zeyzey. "Dito na ba tayo?"

Nanliit ang kanyang mga mata. May problema ba sa tanong ko?

"Anong problema manong?" hindi niya ako pinansin bagkus ay sa kay kuyang driver siya tumingin.

"Traffic lang sir kaya huminto tayo," sagot nito na ikinadismaya ko.

Tumingin ako sa harapan at nakita ngang traffic lang kaya hindi kami nakausad. Lihim kong kinastigo ang sarili.

Ang assuming mo talaga, Ali. Napahiya ka tuloy.

Mabigat ang loob kong inihilig na lang ang ulo sa upuan. Gusto ko talagang pumasok sa mall at magpa-aircon!

"Sige, manong. Paki-park na lang sa tabi," dinig kong sabi niya sa likuran.

"Bakit sir?"

"Papasok kaming mall," sagot niya kaya nabuhay ang katawang lupa ko.

Masigla akong bumaling sa kanya na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. Mukhang naaaliw sa naging reaksiyon ko.

"Masaya ka?" nang-aasar niyang tanong.

Wala sa oras akong tumango. Napailing na lang siya. Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan sa tabi. Nauna na akong bumaba. Excited na talaga akong pumasok. Mga ilang minuto pa ang hinintay ko bago bumaba si Zeyzey. Ang tagal naman.

At mas lalo pang tumagal ang pagpasok namin sa mall kasi bugsuan ang pagpasok ng mga tao. Eh may phobia itong kasama ko. Kaya naghahanap pa kami ng timing na kaming dalawa na lang ang papasok.

Halos magkandahaba na ang leeg ko sa pagdungaw sa loob. Pero hindi ko naman pwedeng iwan dito si Zeyzey. Saka ano naman ang gagawin ko sa loob kung hindi siya papasok? Wala akong pera.

"You can go first,"aniya.

Umiling ako.

"It seems like you're very excited, " dugtong niya.

"Makakapaghintay pa naman ang excitement ko," nakangiti kong tugon sa kanya.

"Hintayin mo na lang ako roon sa loob."

Muli akong umiling. Kumunot ang noo niya.

"Alam mo ba ang kuwento nina Binan at Rosing?" tanong ko sa kanya.

"Hindi."

"Woah. Na-miss mo ang kalahati ng buhay mo kung gano'n. Alam mo bang ang love story nila ang dumaig sa Romeo at Juliet? Childhood sweetheart sina Binan at Rosing. Palagi silang magkasama. Kung saan pupunta si Rosing, dapat nandoon din si Binan. Iyon ang pangako nila sa isa't isa. At may nakakatawang pangyayari nga sa kanilang dalawa eh. Alam mo ba kung ano 'yon?" masaya kong tanong sa kanya.

Umiling siya. Mataman lang siyang nakatingin sa akin.

"Nang nagpatuli si Binan!" sabi ko at humalakhak.

Kumunot ang noo niya subalit halatang gusto niya rin niyang matawa. "Bakit anong nangyari?"

"Eh syempre di ba kapag nagpatuli ang lalaki, ano...makikita talaga ang ano. Kaya hiyang-hiya si Binan kasi si Rosing ang nagpapakain sa kanya ng dahon ng bayabas para hindi siya kabahan habang tinutuli," natatawa ko pa ring sabi.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon