Kabanata 20

2.3K 107 2
                                    

'Ewan ko ba pero pakiramdam ko, isang bonggang date ito!' - ALI

----

NANG matapos ang general meeting ng clubs and orgs sa gym ay halos magkatulakan ang mga estudyante sa pag-uunahan sa paglabas.

Siguro kung hindi lang ako napahiya kanina ay sumali na rin ako sa pakikipagtulakan. Masaya kaya iyon. Naalala ko pa noon nang ginawa namin iyon ni Faye noong first year pa lang kami. Tinulak ko siya at natumba siya kasama ang isang lalaki. At iyon ay walang iba kundi ang boyfriend na niya ngayon na si Troy. Biruin mo 'yon, dahil sa pakikipagtulakan, natagpuan nila ang isa't isa.

Kaya tinatanaw nilang malaking utang na loob sa akin ang relasyon nilang dalawa. Dahil kung hindi ko tinulak si Faye, wala sana sila ni Troy ngayon! Kaya dahil doon, minsan bina-blackmail ko silang dalawa para sundin ang gusto ko. Wala naman na silang magagawa kundi sundin ako. Ang galing ko di ba?

"Hey!"

Napabalik ako sa realidad ng may tumawag sa akin. Actually, hey lang naman iyon eh. Hindi naman namention ang name ko. Pero feeling ko talaga ako ang tinatawag kaya lumingon na rin ako.

Napangiwi ako nang makita ang nakangising mukha ni Keith Raymundo. Nakakaasar talaga ang mukha niya. Oo nga at gwapo siya pero naaasar lang ako sa kanya. Sobrang mahangin kasi at basta! Hindi ko siya feel. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin pero naiinis lang ako.

"Bakit?" pagtataray ko sa kanya sabay kuha ng aking bag.

Paglingon ko sa katabing upuan ay wala na pala si Zairone. My gosh! Iniwan niya ako? Ng hindi man lang nagpapaalam sa girlfriend niya?!

Loko lang. Pero nakakasakit sa loob. Sana man lang niyaya na niya akong lumabas. Nakakainis naman eh.

"Wala na siya. Iniwan ka na," patuloy na sabi ni Keith.

Binigyan ko siya ng ano-bang-pinagsasabi-mo look. Isinukbit ko na ang bag ko at nagsimulang maglakad. Nararamdaman kong nakasunod pa rin siya sa likuran ko kaya mas lalo kong binilisan ang paghakbang.

"Bakit ba iniiwasan mo ako? Natatakot ka bang malaman ko ang tinatago mo?"

Napahinto ng wala sa oras ang aking mga paa. Napabuntong-hininga muna ako bago siya hinarap. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"FYI! Hindi kita iniiwasan. Bakit ko naman gagawin iyon, aber? At isa pa, wala akong sekretong tinatago. Kaya tigilan mo na ako. Bakit ba sunod ka ng sunod sa akin ha? May gusto ka ba sa akin?"

Gosh! Ang kapal ko lang.. Hahaha. Eh basta. Naiinis na talaga ako. At kinakabahan ng slight dahil feeling ko talaga, may alam siya sa deal namin ni Zairone!

Tumawa siya ng malakas at bahagya pang nag-echo iyon sa paligid.

"Masyado ka palang prangka, Aliana."

"Wala kasi akong oras makipaglokohan sa'yo, Keith. Alam ko namang hindi ako ang type mo at hinding-hindi rin kita crush kaya pwede ba, lubayan mo na ako. May boyfriend na ako!"

Muli siyang tumawa. "Boyfriend? Saan? Bakit ka iniwan? Napaka-sweet naman ng boyfriend mo," sarkastiko niyang sabi.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad.

Zeyzey ko! Bakit mo ako iniwan? Akala ko ba okay na tayo? Na tanggap mo na ako bilang kaibigan? Pero bakit?

"May meeting tayo bukas! Be sure to attend dahil may parusa ang members na hindi makaka-attend!" pahabol niya.

Malapit na ako sa labasan nang muli siyang sumigaw.

"One week suspension ang parusa sa hindi makakadalo!" sabi nito sabay halakhak.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon