Parang nakalimutan ko ang pagiging Club Runner sa sinabing iyon ni Zairone.
Hello! Sino bang hindi matutuwa sa ginawa niya? Gosh. For the first time in forever, tinawag niya akong Ali. Hindi si Ali na girlfriend niya kundi ako.
"Ali?" muling tawag niya sa akin dahil para akong timang na nakatitig lang sa kanya.
"Ah, eh...O sige ba. Ikaw ang pinipili ko, Zairone," sabi ko at nginitian siya.
Binigyan niya ako ng kalahating buwang ngiti. I mean, iyong half-moon smile ba. Tinagalog ko lang. Hehe.
Ang gwapo naman talaga niya. Nakabusangot akong tiningnan ni Keith pero binalewala ko iyon dahil sa tuwang nararamdaman.
Hindi siya big deal para sa iba pero sa akin sobra-sobra talaga iyon. Ang sarap pakinggan na tawagin ka sa pangalan mo. Sounds a melody to my ear.
"Tara?" yaya niya sa akin.
He's still smiling habang palabas kami ng AVR. Parang nakainom naman ang taong ito ng isang toneladang happy pills.
"Thank you," sabi niya ng kaming dalawa na lang.
"Maliit na bagay," I beamed at him.
"But really, thank you. Nakita mo ba ang reaction ni Alisa kanina?"
"Oo nga eh. Gulat na gulat nang ako ang tinawag mo. Pati iyong dineklara mo sa maraming tao na girlfriend mo ako. Pati nga lola mo nagulat din eh," masaya kong balita sa kanya.
Alisa is affected. And that is good news. Konting push pa at mapapatid na rin namin ang patience ng babaeng iyon at siya na mismo ang babalik kay Zairone.
"My lola? She's not here," nagtataka niyang tanong.
Napahalakhak ako sa sinabi niya. "Ang ibig kong sabihing 'lola' mo ay ako, Zeyzey."
Mas lalong kumunot ang kanyang noo. Hindi niya talaga gets.
"How can you be my lola? Are you out of your mind?"
Kuuu! Kung hindi ka lang gwapo eh kanina pa kita tinulak. Nginitian ko na lang siya at nauna nang naglakad sa kanya.
"Hey! Illogical girl!" sigaw niya sa likuran ko.
Maarte akong lumingon sa kanya at tinakpan ang bibig ko.
"What?"
"You're so loud. Tsk tsk tsk," panggagaya ko sa sinasabi niya sa akin kapag maingay ako.
He looked surprise. Napabunghalit ako ng tawa. Sinamaan niya ako ng tingin.
"You're contagious. Isang pagkakamali na ako pa ang nagmakaawang piliin ako," nakasimangot niyang sabi at inunahan ako sa paglakad.
Nakapameywang kong tiningnan siyang naglalakad. Nang ma-realize kong sobrang layo na niya sa akin ay saka lamang ako tumakbo para maabutan siya.
"Boyps! Wait for your gerps!" tawag ko sa kanya habang tumatakbo.
Hingal na hingal ako nang naabutan ko siya. Nasa labas na kami ng gate. Napahinto siya sa paglalakad kaya iyon din ang ginawa ko.
"Gusto mong kumain?" out of nowhere niyang tanong kaya nabigla ako ng slight.
"Yes!" maagap kong sagot.
Pumitik ang ulo niyang lumingon sa akin. Nagulat yata sa sagot ko. Akala niya hihindian ko siya ah. No no no. Pagkain na 'yan. Tatanggihan ko pa?
Kung may isang bagay na hindi ko makakalimutan sa turo ni Papa iyon ay ang 'Huwag na huwag tatanggihan ang grasya.' Kaya hindi ko uurungan ang alok niyang kumain kami.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...