Hay Nako Haiku!
Nakapangalumbaba ako sa mesa sa kusina namin habang nag-iisip ng magandang haiku na isusulat. Next week ko na kasi ito ipapasa kay Sir Remedios. Dahil kapag hindi ko ito naipasa on time, sira na ang grades ko. This will be included in my quizzes daw. Nasaan naman ang hustisya roon di ba?
Hindi naman ako makaalma. Dahil una, estudyante ako at guro siya. At pangalawa, baka ma-guidance ako at mapagalitan na naman ni mama.
Kaya ngayon ay problemado ako. Simpleng tula nga hindi ko magawa, ito pa kayang haiku in Tagalog? At tungkol sa pag-ibig pa.
Ano namang kamalay-malay ko rito?
Napabuntong-hininga na lang akong niligpit ang notebook saka ballpen ko at dinala ito sa kuwarto. Saka ko na lang pag-iisipan iyon. Sa ngayon ay iisipin ko muna kung paano mawala ang phobia ni Zairone.
Parang biglang may nag-ting sa utak ko. Tama. Si Zairone! Tutal pumapag-ibig na siya, sa kanya na lang ako magpapatulong ng haiku ko! Napangisi ako sa isiping iyon. Buti na lang at gumagana rin pala minsan ang utak ko sa mga ganitong matinding pangangailangan.
Survival of the fittest!
Excited akong pumunta ng school kinaumagahan dahil sa hihingin kong tulong kay Zairone. Ni hindi na nga ako nakapag-agahan dahil sa pagmamadali ko. I need to talk to him right away.
"Ayoko."
Parang nagunaw ng slight ang mundo ko nang marinig ang sagot niya. Nakasalubong ko siya sa hallway at sinabi ko na sa kanya agad ang problema ko.
Pero heto lang pala ang napala ko!
"Sige na please. Hindi ko lang talaga alam paano gumawa ng about sa love eh," pamimilit ko sa kanya.
"Ayoko pa rin. Making you haiku means I am opening my self to you. And I don't like the idea," naiiling niyang sabi.
"Zairone naman eh! Akala ko ba magtutulungan tayo?"
"Yeah. We are. You helping me to have Alisa back. And me helping you to have your diploma. Quits na tayo do'n. And now gusto mo pa ng isa pang pabor? That's too much."
"Special favor lang naman 'yon."
"Kahit na."
"Ay teka!. Di ba sabi ko sa'yo tutulungan din kitang ma-overcome 'yang phobia mo? So in exchange, you'll help me making a Tagalog haiku about love."
Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako.
"I hate it when you're talking too much. My eardrums don't like your voice."
Kaagad ko namang tinakpan ang bibig ko. Ang ingay ko na ba talaga? Eh siya naman kasi 'tong pa-hard to get. Hay.
Tinalikuran na niya ako at nagsimula na namang maglakad palayo sa akin.
Bakit ba kasi ang bilis maglakad ng lalaking ito?
"Oo na. Ikaw na ang may mahabang biyas!" Pahabol kong sabi sa kanya.
Bigla namang tumunog ang tiyan ko. Gutom na nga ako, wala pang tutulong sa akin sa paggawa ng haiku. Ang saklap-saklap lang talaga ng buhay ko ngayon.
Hindi maipinta ang mukha kong pumasok ng classroom. Ni hindi ko agad narinig ang tanong sa akin ni Carol. At wala naman akong balak sagutin iyon dahil patungkol na naman iyon kay Zairone.
Si Zairone kasi parang iceberg. Kumbaga ang sa tuktok pa lang na nakalabas sa dagat ang nakikita ko. Ang alam ko. Pero ang malaking parte ng pagkatao niya ay nakalubog. Hindi mo makikita kung hindi mo talaga sasadyaing makita.
![](https://img.wattpad.com/cover/33556883-288-k490039.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...