Ali's POV
After ng fireworks at ang pagsakay namin sa ferris wheel ay pumunta kami sa baywalk. Naaaliw ako sa iba't ibang kulay ng ilaw na tila sumasayaw sa hangin.
Huminto kami sa paglalakad at umupo sa bakanteng upuan doon. Huminga ako ng malalim at napuno ang ilong ko ng maalat-alat na amoy ng hanging-dagat.
Ilang panandaliang katahimikan ang naghari sa aming dalawa. May ilang couple pa ang naglalakad sa aming harapan bago ako naglakas ng loob na magsalita.
"Naalala mo pa ba yung kwento nina Rosing at Binan na ikinuwento ko sa'yo?" sabi ko sabay baling sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo saka mahinang tumango. "You didn't tell me what happened to them," may halong inis sa boses niya.
Napangiti ako. "Hindi sila nagkatuluyan."
"Bakit?"
Tumingin ako sa harap at napabuntong-hininga. "Umalis si Rosing. Pero hindi na siya bumalik kailanman," malungkot kong kuwento sa kanya.
"Where did she go? At bakit hindi siya hinanap ni Binan?"
Tumingala ako sa langit at sinalubong ng mga nagkikislapang bituin ang aking mga mata.
"Hinanap niya si Rosing subalit hindi niya ito makita hanggang sa sumuko na lang siya at tinanggap ang katotohanan."
"Gano'n na lang 'yon? He just moved on?" ramdam ko ang disappointment sa boses niya.
Lumingon ako sa kanya at nakatingin na siya sa akin. "Kung ikaw ba ang nasa sitwasyon ni Binan, hindi mo ba gagawin ang ginawa niya?"
Saglit siyang natigilan. "I'll keep on searching for her. Kung mahal na mahal mo ang tao, kahit saan ito magpunta...kahit saang sulok ng mundo hahanapin ko siya."
Tipid akong ngumiti."Alam mo bang ang swerte ni Alisa sa'yo?"
"Are you gonna be okay?" maingat niyang tanong sa akin.
Mabilis akong tumango. Alam kong hindi madaling mawala itong nararamdaman ko sa kanya pero naniniwala akong mawawala rin ito balang araw. At saka makakatulong na rin ang pag-alis namin para makalimutan ko na siya.
"Alisa and I already talked about our set up. Naiintindihan niya naman. Kaya there's nothing to worry," seryoso niyang sabi.
Napapagod na akong makipagtalo. Ayoko rin kasing kulitin niya ako sa dahilan ko kung bakit okay lang na magkabalikan sila ni Alisa and malaman ng lahat sa school. Ayokong malaman niyang aalis ako.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. May ilang araw pa ako bago kami umuwi ng Iloilo. Gugugulin ko na lang siguro ang natitirang oras ko sa mga kaibigan ko.
"Thank you nga pala for tonight ha? Hindi ko talaga in-expect na makakapag-ice skate ako. Nasa wish list ko kaya 'yon!" pag-iiba ko ng usapan.
"That's my first time too," nakangiti niyang sabi.
"Pero ang bilis mo matuto ha.. Sana all," nakalabi kong sabi at inayos ang nagulong buhok dahil sa bugso ng hangin.
"You're also doing well," sabi niya.
"Tss. Hindi kasing galing mo. Kaya mo na ngang makipagsabayan doon sa babae kanina na binangga ako," medyo nainis ako nang maalala ang kanina.
Dinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nilingon ko siya at nakita ang multo ng ngiti sa kanyang mukha. Inismidan ko siya.
"I don't like her," sabi niya at napalingon agad ako sa kanya.
"Hindi ko naman tinatanong kung gusto mo siya. At saka, sa isang tulad mo na sobrang mahal na mahal si Alisa, may time ka pa bang magkagusto sa ibang babae?" nagtataka kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...