Kabanata 49

1.2K 84 33
                                    

Ali's POV

"Kaya itigil na natin ito. Ayokong mas lalo pa akong mahulog sa iyo habang iba ang mahal mo."

Parang sirang plakang paulit-ulit na tumatakbo iyon sa isipan ko. Bakit ko pa sinabi 'yon?

Ibinaon ko ang aking mukha sa unan. Anong mukha pa ang ihaharap ko kay Zeyzey sa Lunes? Napahigop ako ng hangin nang di na ako makahinga ng maayos sa ginagawa ko.

Gusto ko sanang i-text siya para magpaliwanag kaso nasa kay Faye nga pala ang phone at ibang gamit ko. Kukunin ko na lang bukas sa bahay nila. Inis kong ginulo ang aking buhok.

"You're really making me a bad person."

Napabuntong-hininga ako. Parang binigyan ko pa ng problema si Zeyzey sa sinabi ko sa kanya. Baka ma-guilty iyon na hindi naman dapat. Ako ang may kasalanan lahat. At ako ang pasimuno nito.

Bobo rin kasi 'tong puso ko eh. Magkakagusto na nga lang doon pa sa may iba ng gusto.

"Ngayon iiyak ka sa sakit? Ikaw hindi marunong pumili eh!" kausap ko sa puso kong naninikip ngayon.

Nababaliw na yata ako. Napatingin ako sa alarm clock ko sa mesa. Ala- una ng madaling-araw at gising pa ako? Tutulungan ko pa si Mama mamaya mag-ayos ng mga gamit namin.

Naguguluhan man sa mga nangyari ay binalot ko na lang ang aking sarili ng kumot. Matutulog na lang ako.

"Kaya itigil na natin ito. Ayokong mas lalo pa akong mahulog sa iyo habang iba ang mahal mo."

"Ahhhhh. Patulugin niyo ako. Huhu."

---

"Hoy! Gumising ka na senyorita!" sigaw ni ate kaya naalimpungatan ako ng gising.

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata nang makita siya. Ang aga-aga, naka-make up?

"I love it when you call me senyorita," nakangiti kong sabi sa kanya.

"I wish I could pretend I didn't need him," dugtong niya.

"Him?"

Tumikhim siya at inayos ang sarili. "Bumangon ka na diyan. Maglilinis pa tayo ng mansion!" sabi niya at tinalikuran niya ako.

"Maglilinis naka-make up?" pahabol ko nang mawala na siya sa kwarto.

"Oh shattap to shattap shatttap," dinig kong sigaw nito sa labas na ikinatawa ko.

Nag-stretching muna ako sandali bago tumayo at lumabas na rin ng silid. Panay pa ang hikab ko nang makarating sa kusina.

"Saan sina Mama at Papa?" nagtataka kong tanong kay ate na may dalang walis tingting.

Ang weird talaga niya ngayon. Naka-make up tapos magwa-walis?

"May pupuntahan daw importante eh. At ang kabilin-bilinan ng lola...ni Mama na dapat daw ay malinis na ang mansion natin," paliwanag niya.

"Saan ka maglilinis?"

"Doon sa bakuran," sagot niya at naglakad na palabas.

Hinabol ko siya sa may pintuan. "Ako na diyan sa labas! Matutunaw make up mo niyan."

"Okay lang. Diyan ka na sa loob. Okay na ako rito. Alis na," sabi niya at pinandilatan pa ako.

"Ang weird mo, ate," napailing kong sabi saka siya tinalikuran.

Nagpapapansin lang iyon kay kuya Poldo, eh. Speaking of...kamusta na kaya 'yon? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa kuwento ni ate Hannah. Puntahan ko kaya mamaya?

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon