Biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napalingon ni Zairone sa pintuan. Dumaan doon sina Mama, si Papa na tulak-tulak ni ate Hannah sa wheelchair nito.
Bakas ang matinding pag-aalala sa kanilang mukha. Lalo na si Mama. Mabilis itong naglakad palapit sa akin. Hindi niya yata napansin si Zairone na nakaupo sa katabing upuan.
"Ano bang nangyari? Ba't hindi ka nag-iingat sa mga kinakain mo?" may bahid na panenermon ang tono niya.
"Kasalanan ko po, tita," napatayong sabi ni Zairone.
Bahagyang nagulat si Mama dahil ngayon niya lang napansin na may kasama ako rito sa kuwarto. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa na pilit hinihinuha ang sitwasyon.
"Niyaya ko po kasi siyang mag-lunch sa labas kasama 'yong mga kaibigan namin. I didn't know she has an allergy with peanuts. Hindi niya rin po yata napansin na may kasama palang mani sa kinakain niya," mahabang paliwanag ni Zairone.
Ilang segundo pa bago nakahuma si Mama. Parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita.
"Anak, hindi ba at sabi ko sa'yo na titingnan mo munang maige ang kinakain mo? Dahil..."
"...baka po may lason. Pasensya na po, Pa," pagpapatuloy ko sa sasabihin nito.
Pasimple akong tumingin kay Zairone. Tipid niya akong nginitian.
"Kaklase mo, Ali?" tanong sa akin ni ate Hannah.
Bigla akong kinabahan sa tanong nito. Paano ko ba sasabihin? Oo alam kong aware sila na dapat may boyfriend na ako dahil graduating na ako pero...ni hindi ko pa nasasabi sa kanila na nakahanap na ako.
"Ah...eh," pilit akong naghahanap nang maisasagot sa bawat sulok ng kwartong iyon.
"Boyfriend niya po," tugon ni Zairone.
Gulat kaming apat sa sinabi niya.
"Boyfriend??" halos sabay na bulalas ni Mama at ate.
Natataranta akong tiningnan ni Mama. Napakagat ako ng labi.
"K-Kailan pa, Ali? Bakit wala ka man lang sinasabi sa amin? Ililihim mo ba ito hanggang sa huli?" sunod-sunod na tanong ni Mama.
"Hindi si ganon, Ma. Ano kasi..." ang hirap maghanap ng dahilan.
Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na kunwaring boyfriend ko lang si Zairone. Dahil tiyak sandamakmak na panenermon ang makukuha ko sa kanila. At siguradong sasabihan nila ako na tigilan na ang pagkukunwaring iyon.
"Kanina niya lang po ako sinagot. That's why I took her out for lunch with my friends," si Zairone na ang sumagot.
Nalipat ang tingin ni Mama sa kanya. Pagkatapos ay muling tumingin sa akin na parang naninigurado. Napilitan akong tumango at ngumiti.
"Sasabihin ko naman po sana pag-uwi ko," naisabi ko na lang.
"Pero bakit wala kang kinukuwento sa akin na may ganito ka pala kagwapong lalaking manliligaw? 'Yong sinasabi mo lang sa akin ay ang pagkakaroon ng crush sayo ng janitor niyo. At pangungulit ng sino nga 'yon? Ang sabi mong butiki? Kier...Keith ba? Tama. Siya ba si Keith?" tanong sa akin ni ate.
Napatingin ako kay Zairone na ngayon ay nakatingin na rin sa akin ng may blangkong ekspresyon. Wala namang mali sa nasabi ko kay ate pero bakit parang may kakaiba?
"Ah hehehe. Hindi po, ate. Hindi po siya si Keith. Siya po si Zairone. 'Yong naikuwento ko sayong transferee sa school namin," sabi ko at palihim na pinandilatan si ate para sumakay sa alibi ko.
Pero anak talaga siya ni Mama eh. Hindi makuha ang tingin ko. Ayoko na!
"Ha? Wala ka kayang kinukuwento sa aking transferee sa school niyo. I remember everything."
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Novela JuvenilAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...