Kabanata 21

2.6K 130 31
                                    

'Kung papano niya nagagawa iyon, I really don't have any idea. Pero kahit papaano ay nawawala ang lungkot ko sa tuwing may ginagawa siyang kakaiba.'

---

"Ano bang nangyayari sayo, Ali? Kahapon ka pa," natatawang sabi ni Faye nang makalapit ako sa kanila.

Huhu. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa akin eh. Parang nawawala ako minsan sa tamang pag-iisip. Hay.

Nagsimula nang mag-discuss si ma'am ng mga terminologies sa volleyball. Hindi ko na pinakinggan dahil familiar na rin naman ako ro'n. Ayokong pinagpapawisan pero kung may kaisa-isang sports man ang nagugustuhan ko, iyon ay ang volleyball. Elementary pa lang ay hinihimok na ako ng coach namin noon na sumali pero ayaw pumayag nina Mama at Papa. Same situation ngayong sa high school na ako. Ayaw pa rin nila akong sumali sa V-Team kung saan umaabot hanggang nationals ang laro.

Dahilan nila ay ayaw lang nila akong mahirapan. Na gustong-gusto ko naman. Gusto ko lang talagang maglaro. Iyon lang. Hindi ko naman pinapangarap maging athlete. Kaya kuntento na ako sa ganito.

After ng klase ay may last subject pa kami before lunch time. Naunang lumabas sa gym ang special class. Sumunod kami.

"Nakakaantok na subject na naman," paunang sabi ni Faye habang tinatahak namin ang field papuntang next class namin.

Social Studies...World History.

"Exciting kaya ang subject na iyon," giit ni Troy.

Hindi ko napigilan ang mag-ikot ng mga mata. Anong exciting sa World History? Eh tungkol na sa nakalipas iyon. Magagamit ba namin iyon sa hinaharap? O baka meron kaso hindi ko lang alam kung ano.

"Huwag na lang kaya tayong mag-attemd," wala sa loob kong sabi.

Napahinto silang dalawa sa paglalakad. Pareho silang gulat sa narinig. Bahagya akong tumawa.

"Ano?"

"Bakit naman tayo aabsent?" nakaangat ang kilay na tanong ni Faye.

"Eh di ba nga sabi mo, nakakaantok? Na totoo naman talaga. Kaya absent na tayo," panghihimok ko sa kanya.

"Ali, hindi pwede. Kailangan nating mag-aral ng mabuti," paliwanag ni Troy.

"Para sa ekonomiya!" dugtong ni Faye.

"Relax. Suggestion lang naman. Huwag masyadong strong okay," natatawang sabi ko at nauna nang maglakad sa kanila.

"Anong nakain no'n?" dinig kong tanong ni Troy kay Faye sa likuran.

"Ang sabihin mo, wala pang nakain 'yon. Kakain pa lang. At nag-uumapaw ang excitement niyan kasi kakain sila sa labas ng school ni Zairone. Feeling niya date na iyon."

Napatigil ako sa paglakad at hinarap silang dalawa. Pinameywangan ko sila at pinagtaasan ng kilay.

"Hep! Una sa lahat, excited nga ako. Pero walang ibang ibig sabihin 'yon, okay? At pangalawa, peace offering niya sa akin ang lunch na ito. At panghuli, friendly date lang. Narinig niyong dalawa? FRIENDLY DATE," matiyaga kong paliwanag sa kanila.

"Sabi mo eh. Tara na nga sweetypie," nang-aasar na tiningnan muna ako ni Faye bago sinukbit ang kamay sa braso ni Troy at umalis.

Naiwan akong nakatayo. Bakit ba inaasar na nila ako? Akala ko ba best of friends kami?

"Hoy! Hintayin niyo ako!" sigaw ko sa kanila.

Habang papalapit na papalapit ang lunch time ay kinakabahan ako na na-e-excite. Gosh! Ano bang pakiramdam na ito. Normal lunch lang naman ito pero feeling ko it's more than that. Naks. More than that talaga? Eh kasi naman! Bakit sa labas pa? Saka saan sa labas?

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon