No Guts, No Glory
Ali's POV
Pagkatapos ng insidente kahapon sa canteen ay hindi na talaga mapakali ang utak ko. Wow. Nahiya naman ako. May utak pa pala ako? Hehehe. Pero seryoso nga, ang tinginan talaga nina Zeyzey at Alisa na yun ang nakakapagpabagabag sa mumunti kong utak eh. Something fishy in the ocean. Hindi kaya....
"Hoy!"
"Ay pwet ng baboy!" gulat kong sabi sabay hawak sa dibdib ko.
"Ano bang iniisip mo? Parang umabot ka na sa ocean deep ah?" nagtatakang tanong sa akin ni Faye.
"Ano kasi..."
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang mga sapantaha ko. Hindi pa naman kasi confirmed eh. Saka alam mo naman si Faye. Medyo madulas ang dila.
"Ano nga?"
"Gusto kong makausap si Zairone," naisabi ko na lang. Gusto ko munang I confirm sa kanya ang naiisip ko.
"For what?" Nakataas ang kanang kilay niyang tanong sa akin.
"Wala lang. Hindi ba pwedeng mag usap ang magdyowa?" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Feel na feel mo na talaga ha," naiiling niyang sabi.
Napatayo ako sa aking upuan dahil parang nahagip ng mga mata ko sa labas ng kwarto namin si Zairone. At parang binubuntutan na naman siya ng mga babae. Dali dali kong binuksan ang bag ko at kinuha ang gunting.
"Para saan yan?" tanong niya da akin sabay tingin sa gunting na hawak hawak ko.
"Sinusundan na naman kasi ng mga babaeng iyon ang boyfie ko eh. Pwes, nagbaon na ako ng gunting. Para kung utusan ulit ako ni Zairone na cut them off eh puputulan ko talaga ng mga buhok ang mga babaeng iyon," paliwanag ko na parang isang psychotic na nakatingin sa gunting sabay ngiti.
"Nababaliw ka na iha," napapailing niyang sabi.
"Time to cut them off. Huh. See you later alligator," paalam ko sa kanya at lumabas na ng kwarto.
Para akong si Detective Conan na hinahabol ang isang tao nang palihim. Pero di talaga ako sure kung iyon nga ba ang ginagawa ni Detective Conan eh. Ni hindi ko pa nga napanood yon. Naririnig ko lang naman siya kay Troy. Gwapo kaya ang Conan na yun? Kung pwede lang sana eh siya na lang ang kunin kung dyowa eh. Haaay. Pero teka. Bakit ba ako nagtatago rito? Boyfriend ko yung hinahabol ko eh. Nako naman. Tanga tanga ko talaga. Kaagad akong lumabas sa pinagtataguan ko at saka sumipol. Sapat na iyon para mapalingon ang mga babaeng sumusunod kay Zairone. Iwinasiwas ko sa hangin ang dala kong gunting. Parang nakuha naman nila ang gusto kong ipahiwatig kaya naman isa isa silang nagsilayuan.
"Ang mga babaeng ito. Ke aga aga pa lumalandi. Putulin ko matres nyo dyan eh."
Napatingin sa akin si Zairone kaya naman nginitian ko siya.
"You're welcome!" sigaw ko nang nagpatuloy siya sa paglalakad palayo.
Aalis na sana ako nang maalala kung anong pakay ko sa kanya. Kaya heto para na naman akong tangang humahabol sa kanya. Muntik na akong matumba nang mauntog ang ulo ko sa likod niya. Huminto na pala siya sa paglalakad. Hindi ko man lang napansin yun.
"Ano na namang kailangan mo?" malamig niyang tanong sa akin.
"May iko confirm lang ako," hinihingal kong sagot sa kanya.
"Ano?"
Napatingin ako sa mga mata niya. Jusko. Parang umurong yung dila ko. Ang gwapo lang niya talaga. Kaagad ko namang ipinilig ang ulo ko sa naisip. Stop fantasizing things Ali. Diploma lang ang kailangan mo. Nothing more, nothing less. Iyon lang kaya umayos kang buang ka.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...