Clumsy
Zairone's POV
Ilang araw ko nang sinusubukang kausapin si Alisa at ilang araw na rin akong nabibigo. Sa tuwing lalapit ako sa kanya kaagad naman siyang umiiwas. Hindi ko naman masabi sa ibang tao na nobyo niya ako dahil iyon ang hiniling niya sa akin. Na huwag ipagsabi na naging kami dati.
Wala akong magawa dahil kapag hindi ko tinupad ang hiling niya sa akin, tuluyan na siyang mawawala. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ayoko namang mapunta lang sa wala ang paglipat ko rito. Hanggang ngayon kasi wala pa rin akong solusyon kung paano ko magagamot ang sarili ko.
Maaga akong nagising dahil may exam kami sa aming first period. Nang lumabas ako sa kwarto ko ay nakasalubong ko si Patty. Nakangiti siya sa akin.
"Why are you smiling at me like that?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"I just checked your fb last night. And guess what?"
"What?"
"Hindi ko inakala na in just two weeks ay magiging famous ka na sa school na nilipatan mo," masaya niyang sabi.
"What are you talking about?"
"Meron ka lang naman mga 500 plus friend requests, 258 messages na nagsusumamo sayo na i-accept mo sila as friends and 888 notifications."
"This is crazy," napapalatak kong sagot. Bahala sila d'yan. Hindi ko naman sila kakilala.
"Yeah. Napanganga talaga ako kagabi. Pupuntahan sana kita sa room mo kaso baka tulog ka na."
Naiiling na lang akong bumaba ng hagdan para mag-agahan. Nakasunod lang sa likod ko si Patty.
"Pero I'm just wondering kuya..."
I stopped at nilingon siya.
"About what?"
"Paano nila nalaman ang name mo sa facebook?"
And biglang rumehistro ang mukha ng unpredictable girl na yun sa isipan ko.
"Ah. There's a stupid girl who asked me what's my fb account," mahina kong sagot sa kanya at dumiretso na sa dining room.
Wala sina mom and dad dahil may business meeting sila sa Thailand kaya kaming dalawa lang dito ni Patty kasama ang dalawang katulong at driver namin.
"And who's that girl?" interesado niyang tanong sa akin.
"Don't ask anymore. I don't want to talk about her okay?"
Patty is so obedient. Hindi na niya pinipilit ang gusto niya if I said no.
"How about Ali?" kapagka ay tanong niya.
"Ali?"
"Yeah. Your girlfriend. Or should I say, ex?"
Napabuntong-hininga ako. I don't know how to say to her. Ayokong magmukhang kawawa sa kapatid ko.
"Okay,fine. I understand. Huwag mo nang ikuwento. Maybe it's time for you to move on na kuya."
No. I can't give up like this. I still have time.
"You don't know anything yet, Pats. You're still young to understand all things."
"Mas madali pa sigurong mag-move on kesa i-overcome 'yang phobia mo na 'yan."
Tiningnan ko na lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.
***
Buti na lang at hindi pa ako na-late. Umupo ako sa bakanteng upuan kung saan nakaupo ang isang babae. Wala kasing permanenteng upuan sa class na ito. Kaya kawawa ka talaga kung late ka lalo na at malapit sa cr ang bakanteng upuan.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Novela JuvenilAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...