Aphenphosmphobia
Z's POV
"Sinadya mo ba talagang ma-expelled sa school niyo para lang makalipat sa pinapasukan ng babaeng iyon?" tanong sa akin ni daddy habang naghahapunan kami.
I must admit, I really did. Pero hindi ko aaminin kay dad iyon. I don't lie usually. Pero sa situation na ito, I have to. Kailangan ko lang talaga. Desperado na ako eh. I need to be with Ali para ipakita sa kanya na seryoso ako sa kanya.
"No dad. In-explain naman siguro sayo ng principal kung bakit ako na-expel."
Nadawit ang pangalan ko sa gang war sa school namin. Not once but thrice. Pero ginawa ko naman yun intentionally dahil kailangan ko ngang mag-transfer ng school. Kaya ayun, fortunately nasipa na ako sa school ko. At bukas ay papasok na ako sa school ni Ali. Ang All Love High School. I found it funny. The name of the school. Masyadong baduy pakinggan. But I don't care.
Napabuntong-hininga na lang si dad. He can't argue no more dahil I always find an answer. Or should I say palusot. Whatever that is.
"Fine. Pero just promise me one thing," sabi niya.
I looked at him waiting for him to go on with his words.
"Don't make a mess there."
So I promised him. Hindi naman ako magloloko dun eh. Gusto ko lang talaga na makasama si Ali. That's all.
Pumanhik na ako sa room ko after naming mag-hapunan. Tahimik lang si mommy the entire dinner. I know she had lots to say pero ayaw niya lang magsalita kapag nandiyan si dad. And I was never wrong. Pumasok siya sa room ko matapos ko siyang pagbuksan ng pinto.
"Seryoso ka na ba sa kanya anak?'
"Seryoso naman ako sa kanya dati pa 'My eh. Hindi ko lang maparamdam yun sa kanya because of this damn phobia," sabi ko sa kanya.
"Do you think you can get over with it?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
Ang ibig niyang sabihin ay yung phobia ko. Aphenphosmphobia. The fear of being touched or touching others. Yeah. I have this freaking phobia. And this is also the very reason kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Ali. I am always saying I love her pero hindi ko naman pinaparamdam sa kanya iyon. I wasn't able to touch her hands, hug her or kiss her. Damn it. Gusto ng puso ko subalit ayaw naman ng katawan ko. You know how hard that is? Maybe not. Dahil wala kayong ganitong klaseng phobia.
"I think..I can," sagot ko sa kanya. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko kay mommy. I can feel my hand trembling habang palapit nang palapit ang kamay ko sa balikat niya.
"Stop it anak. Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya."
Habol ko ang aking hininga habang tinitingnan ako ni mommy. Why is it so hard to beat?
"Just relax son. Okay?" Iyon lang ang sinabi niya at umalis na siya sa silid ko.
I have many plans to do once magkita ulit kami ni Ali. Mga planong hindi ko nagawa nang kami pa. Nang hindi pa siya nakipaghiwalay sa akin.
"Ayoko na Zai. Palagi na lang ganito," mangiyak-ngiyak na sabi ni Ali.
"Mahal kita Ali. Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo kung gaano kita kamahal?" sabi ko sa kanya.
"Oo. Ilang beses mo nang sinabi. Pero hindi mo naman pinapakita yun. Ni hindi mo pa ako hinawakan sa kamay. Kapag umiiyak ako, you never hug me. Hindi ko maramdaman ang comfort mo."
"You know I can't do that," mahina kong sabi.
"Ano bang klaseng phobia yan!" nagagalit na niyang sabi.
"Ali..just..please..understand my situation.""I always understand you Zai. For almost two years. Pero pakiramdam ko may kulang. At iyon ang kulang Zai!"
"What do you want me to do?"
"Hold my hand, hug me,kiss me," sagot niya.
God knows I tried so hard pero hindi ko magawa. I am running out of breath, nanginginig ang kamay ko. I really can't do it. And then she left me. Running away from me.

BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...