Z's POV
I walked the distance between us. I tried to look at her eyes pero siya mismo ang umiiwas. I know there's a problem but I don't know what is it.
Hinawakan ko siya sa magkabilang-balikat. Napapiksi siya. Bahagya siyang umatras palayo sa akin. My heart sank.
"What's wrong, Ali?"mahinahon kong tanong.
"Wala,"sagot niya habang kinakagat ang pang-ibabang labi niya.
Her eyes are swollen like she's crying the whole night. Sinubukan ko ulit siyang hawakan. Pero bago pa makalapat ang kamay ko sa balikat niya ay muli siyang napaatras.
Is it possible na nalipat sa kanya ang phobia ko? No. It's not contagious. Why am I even thinking about it?
"Ali..." mas lalong naging mahinahon ang boses ko.
"Layuan mo na ako. Break na tayo. Alam na ng lahat na nakipag-break na ako sayo. Kaya wala ka ng obligasyon sa akin," deretsong sagot niya sa akin.
"Why?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Ramdam ko ang paninitig ng mga kaklase niya sa loob pati na rin ng mga ibang estudyante sa labas. Huminga muna ako ng malalim bago kinuha ang palapulsuhan niya at hinatak siya palayo.
Dinala ko siya sa garden kung saan walang masyadong tao.
"Galit ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Bitiwan mo na ako," walang gana niyang sabi.
Napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa kanya. Imbes na bitawan siya ay pinagsalikop ko ang mga daliri namin. Malalim akong napabuntong-hininga.
"Zairone, ano ba!" piksi niya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.
Nagulat ako sa ginawa niya. Pulang-pula na ang kanyang mga mata.
"Tell me what's the problem," sabi ko.
Napakagat-labi siya. Pakiramdam ko ay iiyak na siya ano mang oras ngayon.
"Ako ba ang problema?" muli kong tanong sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon. I thought we're okay."
"P-Personal problem lang. Kaya sana respetuhin mo na lang ang desisyon ko," mahinang sagot niya.
Napabuntong-hininga ako. I should have agreed right away. Kung ito and gusto niyang mangyari dapat ay gumaan pa ang pakiramdam ko. Alisa will be happy to hear this. But I couldn't deny the fact that there's a part of me na hindi pabor sa ideyang iyon. Maybe it's the familiarity. Dahil siguro nasanay ako na siya ang kasama noong mga sandaling may phobia pa ako.
Napatingin ako sa kanya. She's already looking at me like she's apologizing for something.
"I'm sorry," her voice broke and tears started to fall from her eyes.
Napatiim-bagang ako. I immediately pulled her closer and hugged her. Ramdam ko ang panginginig niya.
"I don't know what's going on with your family. But I hope that everything will be okay," pang-aalo ko sa kanya.
I silently cursed nang mas lalo siyang umiyak sa sinabi ko. Paano ko ba siya mako-comfort ngayon?
Ilang sandali pa ay dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap ko. Pinunasan niya ang kanyang mga luha.
"Ayoko nang dumagdag sa pino-problema mo ngayon. If this will put you at ease, I understand."
Pinilit niyang ngumiti. Pulang-pula na ang ilong niya sa kakaiyak. Kinuha ko ang itim na panyo sa aking bulsa at inabot iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...