Kabanata 54

1.1K 76 36
                                    

Finale

---

Z's POV

"Looks like someone is here," dinig kong sabi ni Alisa.

Napalingon ako at nakita ko si Ali na hinihingal. She looked so damn scared. She must be. Alam ko na ang totoo.

Tumayo si Alisa at hinarap ako. "Baka kailangan niyo nang mag-usap. Just call me when you're done," mahinahon niyang sabi.

Huminto siya saglit sa harap ni Ali bago siya tuluyang naglakad palayo. Ali slowly walked the distance between us.

"Why are you here?" nakatiim-bagang kong tanong sa kanya.

She just stood in front me, uneasy.

"Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? You think you can solve it sa pag-iwas mo sa akin? You can't run forever. You can't hide it forever. Just like how your father did to me," hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses.

I'm mad at her for lying to me. And I'm so mad that it's happening to us. I didn't wish something like this.

She bit her lower lip. "I'm sorry. Sana mapatawad mo ako. Sana mapatawad mo si Papa..." she trailed off.

"Do you think it's easy to give forgiveness to someone who stole my happiness for more than a decade? You knew what happened to me. I told you everything!"

Napaigtad siya sa lakas ng boses ko. Yumuko siya at suminghap.

"You know what's funny? I trusted you. And you totally ruined it."

Tumingala siya at nag-aalangang tumingin sa akin. "P-Papa ko kasi 'yon..."

"And you're obstructing justice to save your father? Para hindi niya pagbayaran ang ginawa niya sa akin? Paano naman ako, Ali? Paano iyong mga nawala sa akin?" I stopped myself from crying.

"A-Ano kasi...mahina na si Papa. Kita mo naman siguro ang sitwasyon niya. Hindi makakayanan ng katawan niya ang kulungan," sabi niya at naiyak na.

"He should have thought that bago niya ginawa iyon. Alam mo bang nagmamakaawa ako sa kanya noon para lang iligtas ako? Pinakinggan niya ba ako? Hindi. I was so young back then. Takot na takot. Hindi niya ba inisip na paano kung sa anak niya rin mangyari ang ginawa niya sa akin? Hindi ka ba niya naisip ng mga oras na 'yon? Paano kung ikaw ang sa kalagayan ko no'n?"

Napahagulhol na siya. Mahina akong napamura. I wanted to hug her. To comfort her. But I just can't. I'm so mad that I couldn't move myself closer.

Mas lalo siyang lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Napasinghap ako. I couldn't deny the fact that I miss her touch. Her hands and the way she holds me.

"Alam kong...makapal na mukha ko noong nakiusap ako sayo noon na maging boyfriend ko. Pero mas kakapalan ko pa ngayon. Parang awa mo na...kahit hindi mo na patawarin si Papa. Huwag...huwag mo lang siyang ipakulong," her body was shaking.

Pinilit kong magmatigas. This is not about her. This is all about what happened to me. I will try to understand that she hide it from me. But I hope she will also understand my decision.

Hindi ako sumagot. Nabigla ako nang dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko. Yumuko siya habang nasa noo niya ang magkahawak naming kamay.

"Parang awa mo na, Zairone. Maawa ka sa Papa ko," sabi niya sa pagitan ng mga iyak.

Dali-dali ko siyang pinatayo at hinawakan sa magkabilang-balikat. "Stop it, okay? You don't have to go that far. You know where I'm coming from. It's not easy. It won't be easy."

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon