Finito La Musica
---
7 months later...
Z's POV
Baccalaureate mass.
Lahat ng graduating students ay required na mag-attend bago ang graduation rites bukas. Ayoko na sanang um-attend dahil wala ako sa mood.
But my mom insisted me that I should go. That's why I'm here sitting in the front line. Dito sa covered gym isinagawa ang mass.
Napangiti ako nang paglingon ko ay nakita ko si Ali na nakatayo sa kabilang dulo. Lumingon siya at ngumiti sa akin. I saw her pointing her index finger to the priest who's giving his homily now.
Mahina akong tumango. Tiningnan ko muna siyang maige bago muling humarap kay father.
"We should not dwell in the past because of our mistakes. All we have to is to learn from not, not live on it," malumanay subalit malaman na sabi niya.
Napakagat ako ng aking labi. Lumingon ako sa kanang hanay ng mga upuan. Nandoon si Keith at malungkot na nakatingin lang sa harapan.
"Pinapabigay nga pala ni Ali sa'yo. She told me to give it to you kapag nakaalis na sila. But I can give it to you right?" sabi ni Keith sabay abot ng isang flash drive sa akin.
Kinuha ko iyon at napabuntong-hininga siya ng malalim. "Don't worry. Hindi ko tiningnan kung ano ang nasa loob niyan. I still respect her privacy. I guess that's very important so you should see it for yourself," muling sabi niya sa akin.
Pumihit na siya patalikod sa akin nang muli siyang magsalita. "I really like her before you recognized your feelings for her. You're so fucking dumb not to realize it sooner," sabi niya at tuluyan nang naglakad palayo.
I went home after class. I opened my laptop and inserted the flash drive. Nanginginig ang aking mga kamay habang binubuksan ang laman no'n. It's a video clip.
Huminga ako ng malalim bago iyon in-open.
Hi boyps! Grabe na-miss kitang tawagin ng ganiyan. Simula kasi nang magkaroon na ako ng feelings sa'yo, iniiwasan ko nang banggitin iyon. Baka kasi mas lalo lang ako mahulog sa'yo. Mahirap na. Mahirap magka-gusto sa taong sobrang in-love sa ibang tao."
Halos sabay kaming napabuntong-hininga. Ilang sandali pa ay ngumiti siya sa video. I paused it and hinawakan ang pisngi niya sa screen.
"Humihingi ako ng patawad kung bakit inilihim ko sayo nang malaman ko ang totoo. Iniwasan pa kita. Sa totoo lang, sobrang natatakot ako. Natatakot ako na kapag malaman mo, magagalit ka sa akin. Na ipapakulong mo si Papa. Ayoko mangyari 'yon. Kaya sana mapatawad mo kung naging selfish ako. Maintindihan ko kung magalit ka sa akin once malaman mo na mula sa iba ang totoo. Pero sorry, kailangan kong magsinungaling sayo kasi sina Papa na lang ang meron ako. Dahil sa ginawa niya kaya buhay pa ako ngayon. Isinakripisyo niya ang lahat para lang humaba ang buhay ko..." sabi niya at nag-uunahan nang pumatak ang kanyang mga luha.
"Shhh. Don't cry now. Naiiinttindihan ko na lahat," pang-aalo ko sa kanya sa video.
Huminga ako nang malalim bago pinunasan ang luhang kusa na lang lumabas sa aking mga mata.
"Sana mapatawad mo ako kung aalis ako nang walang paalam."
Napatingin ako sa mukha niya. Nanginginig na ang katawan ko sa pag-iyak. Damn it. I am now regretting the words that I said to her. If I could turn back the time and took back what I've said.
![](https://img.wattpad.com/cover/33556883-288-k490039.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...