Ali's POV
Nagpaturo ako kina Faye at Troy kung paano mag sign up sa Facebook. Ang dali lang naman pala eh.
"Ang bait naman ni Mr. Z ha," may pagsiko pang sabi ni Faye sa akin.
Napangiti ako. Mabait talaga siya. Kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na matulungan siya. At gagalingan sa dance revo. Kailangan kami ang manalo.
"Napansin kong parang okay na talaga kayo," segunda naman ni Troy.
"Parang nga," sang-ayon ko naman habang nagdidiskubre sa mga pwedeng diskubrehin dito sa Facebook.
May kinalikot kasi rito kanina si Faye. Hindi ko na nasundan dahil kinakausap ako ni Troy tungkol sa sayaw namin.
"Chance mo na ito para malaman ang tunay na dahilan ng pagkaroon niya ng ganong phobia, Ali."
Tumango-tango ako. Hindi ko kakalimutan ang bagay na iyon. Kaya nga ako nakikipagclose sa kanya hindi lang dahil sa diploma kundi pati na rin ang pagtulong sa kanyaang mawala ang phobia niya. Nang sa gano'n ay matauhan na ang Alisa na 'yon.
Nang sumunod na araw ay ang aga kong pumasok. Nagulat pa nga si Mama dahil mas nauna pa aKong gumising sa kanya kanina.
Nasa hallway na ako at sa kasamaang-palad ay nakasalubong ko si Keith. Ang aga naman ng kulugong ito. Ipinilig ko ang aking ulo.
Huwag mo nang pansinin, Ali. Sa dinami-dami na ng problema, huwag mo nang dagdagan pa kung bakit maaga itong pumasok.
"Hey!" tawag niya habang nakangisi.
"Oy. Ikaw pala," sabi ko at pekeng tumawa.
Hindi na rin niya ako binabantaan pero ayaw Ko lang talaga siyang nakakasalubong at nakakausap. Saka marami siyang babaeng obsessed fans. Baka kapag nakita kaming magkausap, akalain ng mga no'n na may something sa amin.
Loyal ako kay Zeyzey!
Wow, Ali ha. Feeling girlfriend? Natawa na lang ako sa aking isip.
"You're spacing out," untag nito sa akin.
"May iniisip lang ako," dahilan ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi pa rin niya ako tinantanan. Nakabuntot pa rin siya sa akin kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad.
"Anong isasayaw niyo?" tanong niya.
"Wala pa," sagot ko.
"Wala pa? Bakit? Dahil hindi ka ba marunong sumayaw?" natatawang tanong nito.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sinong nagsabi sayo na hindi?" na hindi naman talaga.
Pero hindi ko aaminin sa kanya 'yon.
"Ah..so si Zairone pala ang hindi marunong," patango-tango nitong sabi.
"Marunong siya! " napalakas kong sabi na kahit siya ay nagulat.
"Okay. Easy lang. Walang umaaway sa'yo," sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
Nginiwian ko muna siya bago ako tumalikod sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Gusto mo bang malaman kung anong sasayawin namin ni Alisa?" tanong niya na nagpa-curious sa akin.
Huminto ako sa paglalakad at dahan-dahang lumingon sa kanya. Ngumisi siya sa reaksiyon ko.
"Now I got your attention, " sabi niya.
"Tss. Ano ba iyon?"
"Sensual dance," sagot niya sabay halakhak.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...