Kabanata 27

1.8K 108 8
                                    

Nagtatalo pa rin ang utak ko. Okay na rin kasi sa akin na hindi ako makakasama. Pero dahil lang sa sinabing iyon ni Zeyzey, nagdadalawang-isip na ako.

At nakakahiya kasi siya raw ang magbabayad sa akin. Siya na raw bahala sa lahat. Parang hindi naman yata makatarungan iyon. Saka paano ko ipapaliwanag iyon sa mga magulang ko? Na may nag-sponsor sa akin na sumama? Tiyak magtatanong ang mga iyon kung sino.

"Sabihin mo na lang na kami nina Troy ang naglibre sayo," sabi ni Faye.

Saglit kaming iniwan ni Zeyzey kasi pinatawag siya ng adviser nila. Hindi pa kasi tapos ang klase nila pero lumabas siya para kausapin ako sa bagay na iyon. Ang sweet naman ni boyps!

"Magsisinungaling na naman ako?"

"As if hindi kasinungalingan ang pagpapanggap..."hindi natuloy ni Faye ang sasabihin dahil tinakpan ni Troy ang kanyang bibig.

Walang ideya si Carol sa amin ni Zeyzey! Saglit akong kinabahan dahil parang natigilan si Carol sa kawalan.

"Omg! May laro pala sa kabilang school si Jacob! I forgotten!" madramang sabi nito.

Nakahinga ako nang maluwag. Thank, God at iba ang tumatakbo sa utak nito.

"Ayan. Puro kasi si Mr. Z ang iniisip mo," tudyo sa kanya ni Faye saka bumaling sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan niya lang ako.

"Hoy, Ali. Wag ka nang pakipot. Sumama ka na. Mauna na muna ako at baka makipag-break iyon sa akin kung hindi ako nakapanood ng game niya. Bye girls!" nagmamadaling paalam nito sa amin.

"Muntikan na," sabi ni Troy.

"Nakakainis ka!" ingos ko kay Faye.

"Eh ikaw naman kasi. Parang big deal sayo ang pagsisinungaling. White lies lang naman eh. And besides, alam ko namang gusto mo talagang sumama. Kaya tanggapin mo na ang offer niya habang 'kayo' pa. Hindi mo na 'yan mararanasan kapag iniwan ka na niya at makipagbalikan sa tunay niyang Ali," mahabang litanya ni Faye.

Napabuntong-hininga ako. Kinuha ko ang parents concern sa bag ko.

"Hindi ko pinapirmahan sa kanila," sabi ko.

"Problema ba' yon? Master of forgery yata ito,"nagmamalaking sabi ni Troy sabay kuha sa ballpen.

Akma na sana siyang magsa-sign nang bumaling siya sa akin.

"Ano ba ang pirma ni tita?"

Napangiwi si Faye. Itinuro ko sa kanya kung ano ang hitsura ng lagda ni Mama. Namangha ako kasi madali niya iyong nagaya. Pumalakpak si Faye sa ere.

"Ayan! Ipasa mo na ro'n kay mam. Bilis!" pag-aapura niya sa akin.

Saktong paglabas ko ng classroom ay siya ring dismissal nina Zeyzey. Nagmamadaling lumabas ang mga kaklase niya. Nasalubong ko pa sina Lothel. Inirapan niya ako bago hinawi ang buhok at nagmartsa palayo.

Huling lumabas ng silid ay si Zeyzey. Dere-deretso lang ang lakad niya. Hindi yata ako napansin. Kaya ang ginawa ko ay palihim na sumunod sa kanyang likuran.

Patuloy lang ako sa ginagawa kong pagsunod sa kanya. Sobrang lalim siguro nang iniisip niya kaya hindi niya ramdam ang presensiya ko sa likod.

Minsan ay humihinto siya sa paglalakad kaya iyon din ang ginagawa ko. Hindi ko mapigilan ang ngumiti dahil sa kalokohan ko. Wala namang may sumisita kasi kokonti na lang ang estudyante. Namataan kong wala na rin sina Faye at Troy sa pinuwestuhan namin kanina. Iniwan na naman ako dahil alam nilang sasabay na naman ako kay Zeyzey.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon