Ali's POV
Hanggang sa pag-uwi ko ay iyong sinabi pa rin ni Sky ang nasa isip ko. Nadatnan kong nakaupo sa sahig si ate habang abala sa pagbubuklat ng mga librong nakapatong sa maliit na mesa namin sa sala.
Ngayon ay mas lalo ko nang naiintindihan kung bakit ako lang ang kailangang dalhin sa probinsiya. Si kuya ay may permanenteng trabaho na rito sa Maynila. Si ate naman ay magtatapos na rin sa college at may scholarship pa siya sa DOST.
Kung iisipin, sila ni kuya ang makakatulong sa pamilya namin. Ano ba naman ang isang taong paghinto ko? Kahit ito lang ang maging sakripisyo ko para sa pamilyang ito.
Nanatili akong nakamasid kay ate Hannah. Nakangiti lang ako habang siya naman ay halos magsalpukan na ang mga kilay sa binabasa. Muntik na akong mapatalon nang hinampas nito ang libro sa inis.
"Hindi ako makapag-concentrate dahil sa lecheng 'yon!" asik niya habang ginugulo ang buhok.
Napabuntong-hininga na lang ako.. Lalaki na naman problema niya. Sino na naman kaya ito this time?
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Tumingala siya nang maramdaman ang presensiya ko.
"Anong problema ate?" maingat kong tanong.
"Si Poldo kasi!" ingos niya.
Umupo ako sa katabing upuan. Nilapag ko ang aking bag sa sahig bago muling bumaling sa kanya.
"Ano pong meron kay kuya Poldo? Kinukulit ka na naman ba?" nakangiti kong tanong.
"Hindi na," sagot niya at padabog na binubuklat ang bawat pahina ng libro.
Natatakot ako na baka mapunit iyon. Alam ko naman na puro hiram ang mga librong dala niya.
"Hindi naman na pala eh. Bakit pinoproblema mo pa rin siya?"
"Hindi na kasi siya nagpapakita."
"Hinahanap mo?"
Natigil siya sa pagbuklat at masama akong tiningnan. Napalunok ako ng laway. Ang iksi pa naman ng pasensya niya.
"Di sa gano'n. Napagsalitaan ko kasi siya ng masama noong nakaraang araw. Tapos ayon. Nasaktan talaga yata. Sinabi niyang hindi na raw niya ako kukulitin at hindi na siya magpapakita sa akin," kuwento niya.
"Eh iyon naman gusto mo di ba?"
"Oo. Pero kanina lang sa school..." halos mapunit ang mukha niya sa pagpigil ng sasabihin.
"Anong nangyari sa school?" medyo inilapit ko na ang mukha ko sa kanya.
"Nagpakita siya sa school!"
"At doon ka na naman niya kinukulit?"
"Hindi!"
"Eh ano?"
"Doon na siya nag-aaral..."
"Ha??" gulat kong tanong.
"See? Ganyan din reaction mo. Wala akong alam na nag-aaral pala 'yon sa college. At alam mo ba kung anong nakakaloka? English-ero pa ang loko. Eh di ba dakilang tambay at manginginom lang dito iyan sa atin?!" halos umusok ang ilong niyang sabi sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Kasi nakakagulat nga naman talaga. All this time akala namin pariwara na sa buhay si kuya Poldo. Iyon pala, college student na rin and English speaking pa. Na-i-imagine ko tuloy ang hitsura ni kuya Poldo na nakasuot ng school uniform saka nag-E-English. Kumislap ang aking mga mata.
"Bakit ang gwapo-gwapo niya sa imagination ko ate?" baling ko sa kanya.
Inis siyang nangalumbaba sa mesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/33556883-288-k490039.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...