Kabanata 50

1.4K 101 35
                                        

Ali's POV

Nanlaki ang aking mga mata nang dinala ako ni Zeyzey sa skating rink. Napanganga akong lumingon sa kanya. Nginitian niya lang ako.

"M-Mag-ice skating tayo?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Mahina siyang tumango. Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya. Muntik na siya tuloy matumba sa biglaang pagyakap ko. Pero nang matauhan ako ay umayos na rin ako sa pagkakatayo.

Nakangiti ko siyang tiningnan habang siya naman ay parang gulat pa rin sa ginawa ko. Ilang sandali pa ay tumikhim siya at napahawak sa batok.

"Let's go..." sabi niya at nagpatiunang maglakad.

Excited akong sumunod sa kanya. Isa ito sa mga gusto kong subukan eh.

"Wait here," sabi niya.

Pinagmasdan ko siyang bumili ng tickets naming dalawa. Alam kong pagkatapos ng araw na ito ay babalik na kami sa dati. Siya kay Alisa habang ako naman ay uuwi na ng Iloilo. Ang tanging dahilan lang naman kung bakit ako pumayag sa sinabi niya ay para magkaroon ako ng magagandang alaala sa kanya.

Alam kong masasaktan ako sa mga nangyayari. Kaya kailangan ko ng magagandang alaala para kahit papaano ay maibsan ang sakit na iyon. Aalis akong broken hearted, oo. Pero hindi ako aalis na walang baong alaala kasama si Zeyzey.

Ilang sandali pa ay lumapit na siya sa akin dala ang tickets. "Let's change first," sabi niya sabay turo sa area kung saan naroroon ang ice skates.

Nang makarating kami roon ay pumili na agad kami ng ice skates na kasya sa paa namin. May tips pang sinasabi ang lalaking staff doon. After naming magpalit ay pumasok na kami sa rink.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bago pa kami umapak sa ice ay tiningnan ako ni Zeyzey.

"Don't be nervous okay? It will be fun," sabi niya na tinanguan ko naman agad.

Kahit hindi niya sabihin, mag-e-enjoy talaga ako. Kahit hindi ako marunong,  e-enjoy-in ko talaga ang sandaling ito.

Nauna siyang umapak sa ice. Napanganga ako nang makitang hindi siya natumba. Nakailang hakbang pa lang ay natumba na siya. Hindi ko napigilang tumawa. Akala ko naman eh marunong ang isang 'to.

Nilingon niya ako habang nakaupo pa rin siya sa ice. "Subukan mo."

Tumigil na ako sa pagtawa at nagsimula nang umapak sa ice. Nakaisang hakbang pa lang ako ay natumba na ako. Ang sakit ng puwet ko! Napalingon ako sa kanya nang marinig ang buong pagtawa niya.

"Akala ko marunong ka!" sumbat ko sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat. "I thought it was easy," sabi niya at sinubukang tumayo.

Napalabi ako. Sinubukan ko ring tumayo subalit nabigo ako. Napadaing na ako sa sakit nang muli akong napaupo. Dahan-dahang lumapit sa akin si Zeyzey at nilahad ang kamay niya na may suot na gloves.

Tiningala ko siya at sinalubong ang titig niya. Huminga muna ako ng malalim bago tinanggap ang kamay niya. Binigay ko sa kanya ang buong bigat.

Napatayo niya rin naman ako. Napaatras siya konti kaya siya na-out balance. Nabuwal kaming pareho. Dinig ko ang mahinang daing niya nang napaibabawan ko siya.

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso nang ma-realize ang sitwasyon namin. Ilang pulgada lang ang pagitan ng aming mukha. Ang mainit niyang hininga ay dumadampi sa aking pisngi.

Ilang sandali kaming nagkatitigan. Biglang nag-flashback sa akin ang nangyari noong excursion, sa burol. Ganito rin ang nangyari sa amin. Ang kaibahan nga lang ay ako ang nasa ibabaw niya ngayon. Uminit ang magkabilang pisngi ko sa naisip.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon