Ali's POV
Hindi ako kumain ng hapunan. Idinahilan ko na lang na masama ang pakiramdam ko. Ayaw pa sana akong paakyatin ni Mama pero narinig kong pinagsabihan siya ni Papa na hayaan na lang daw muna ako.
Hanggang ngayon hindi pa rin nila sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit uuwi kami ng Iloilo. Kung bakit ako lang ang isasama nila at bakit agad-agad kaming aalis.
Umupo ako sa aking higaan at kinuha ang phone na nakapatong sa bedside table. Panandalian kong tiningnan iyon. Kailangan ko na ring ibalik ang phone kay Zeyzey.
Pumunta ako sa gallery at tiningnan ang mga photos doon. May mga selfie ako roon at ilang pictures na kasama sina Faye at Troy at iba ko pang mga kaklase. Hindi ko napigilang ngumiti.
"Mami-miss ko kayong lahat," nawala ang ngiti ko nang maalalang aalis na ako at hindi na ako makakasama sa kanila sa graduation next year.
Huminto ako sa pag-swipe nang mapunta ako sa picture ko sa burol noong excursion namin. I swiped again and malungkot akong ngumiti nang makita ang sunod na picture.
Kulay kahel na ang paligid at papalubog na ang araw sa kanluran. Pababa na kami no'n sa burol. Para matago ang kahihiyang nangyari ng sandaling iyon, kinuha ko ang phone at nag-selfie.
"That's my phone," sabi ni Zeyzey sa likuran ko.
Medyo nahiya ako. Pinilit kong ngumiti at saka humarap sa kanya.
"Gusto mo kunan kita ng picture?" tanong ko sa kanya na kaagad niya namang inilingan.
"Why don't you take a selfie and I'll be your background?" sabi niya na ikinagulat ko.
Ilang sandali pa ay lumapad ang ngisi ko.
"Ganyan ba ang sinasabi ng mga mayayaman at guwapong lalaki kapag gusto nilang sumama sa picture taking?" tanong ko sa kanya na may halong pang-aasar.
Natigilan ako nang ginantihan niya ako ng matamis na ngiti. Umihip ang malamig na hangin kaya bahagyang nagulo ang buhok niya. Mas lalong tumingkad ang kakisigan niya dahil sa kulay ng paligid.
"Matagal pa ba 'yan?" untag niya sa akin.
Nagmamadali kong kinalikot ang phone at binuksan ang camera no'n at nilagay sa selfie mode.
"After three, say 'Z' okay?" sabi ko sa kanya at nagsimula ko nang itutok ang front camera sa aming dalawa.
"One. Two. Three...Z..."
"Ali..." sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya kaya nilingon ko siya. Nakatingin na rin pala siya sa akin. Kaya naabutan kami ng timer. Imbes na dapat pareho kaming nakangiti sa picture, ang ending eh nagkatitigan lang kami sa kinuha kong selfie na iyon.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak habang nakatingin sa nag-iisang picture namin ni Zeyzey. Gusto ko sanang i-save iyon kaso wala naman akong sariling cellphone.
Kaagad kong pinalis ang aking mga luha nang may kumatok. Tinago ko ang phone bago tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni kuya Charlie.
Naka-uniporme pa rin si kuya. Halatang kakagaling lang mula sa trabaho.
"Pwede bang pumasok si kuya?" malumanay na tanong niya sa akin.
Nang makapasok siya ay saka ko muling sinara ang pinto. Umupo siya sa higaan ko habang nanatili lang akong nakatayo.
Ilang segundo pa kaming nagkatinginan bago siya nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Alam kong kakausapin niya ako tungkol sa nangyayari ngayon sa bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/33556883-288-k490039.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Fiksi RemajaAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...