Ako ang unang nag-spin ng bottle. Pumalakpak ako ng sa kanya huminto ang bottom nito. Mahina siyang tumikhim.
"Share or dare?" tanong ko.
Excited ako sa ishi-share niya!
"Share."
Ngumiti ako. Ano kaya ang ishi-share niya?
"Mahilig ako sa maaanghang. Jalapeño to be exact," sabi niya at deretsong tumingin sa akin.
Hindi ko maiwasan ang ma-disappoint. Eh alam ko na yun eh! Nasabi na sa akin ni Patty. Kaya nga nalagay ako no'n sa alanganin.
Nagkunwari na lang akong nagulat at hindi makapaniwala.
"Woah. Akalain mo 'yun. Pareho pala tayo ng gusto. Paborito ko rin yun eh. Lalo pa kung isasawsaw sa ketchup," kunwari ay masaya kong sabi.
"Talaga? What a coincidence. I'll tell Patty na mag-serve sila ng ganon mamaya," sabi niya.
Parang gusto ko na lang kunin ang bote at ipukpok sa ulo ko at magkunwaring nagka-amnesia. Bakit ba ang hilig kong ilagay ang sarili sa alanganin?
Nang tumingin ako sa kanya ay nakangiti pa rin siyang nakatingin sa bote. Ang gwapo! Lihim kong kinastigo ang sarili. Kailangang mawala na itong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ito tama.
Siya na ang nag-spin ng botte at sa akin naman iyon huminto.
"Share or dare?" tanong niya.
"Share!"
Ayoko mag-dare ano. Tumikhim muna ako. Ano ba ang pwedeng i-share sa kanya? Dapat yung medyo hindi mababaw. Dapat iyong ma-trigger din siya na i-share sa akin ang cause ng phobia niya.
Isip-isip, Ali.
"Takot ako sa pusa."
Kumunot bigla ang kanyang noo. Hindi yata matanggap ang sinabi ko.
"Why? Cats are way too cute para katakutan," nagtataka niyang tanong sa akin.
Ano nga ba ang dahilan bakit takot ako sa pusa? Hindi ko na maalala eh. Basta kapag nakakakita ako ng pusa, natatakot talaga ako.
Nagkibit na lang ako ng balikat bilang sagot sa kanyang tanong. Habang nag-i-spin ako ng bottle ay nakakunot pa rin ang noo niya. Iniisip niya pa rin ba na takot ako sa pusa?
Napangiwi ako nang sa akin muli huminto ang pag-ikot ng bote.
"Share," sabi ko at inunahan na lang siya sa pagtatanong.
"May kambal ako," pagsisimula ko.
Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Napangiti ako kasi parang ngayon ko lang nakikita ang mga ekspresyon niya ngayon.
"Where is she?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi 'she' kundi 'he', boyps. Kuwento ni Mama, lalaki yung kakambal ko."
"Kuwento ng mama mo? You're not sure about it?"
Umiling ako ulit. "I mean, sabi ni mama, lalaki ang kakambal ko. Kaso, namatay rin siya pagkapanganak sa amin eh."
"I-I'm sorry to hear that," dama ko ang lungkot sa kanyang boses.
"Okay lang. Pero minsan naiisip ko, paano kaya kung buhay pa yung kakambal ko? Ano kaya hitsura niya? Kamukha ko ba? Na naging lalaki lang?" bahagya akong natawa sa tanong ko.
Hindi ko ma-imagine na may boy version ako.
"I guess if he's alive, he could be smart and decent," sagot niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/33556883-288-k490039.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...