Kabanata 37

1.6K 97 38
                                    

Ali's POV

Buong mag-hapon kong inisip ang tungkol sa video teaser na gagawin namin. Hindi ko pa nakausap si Zeyzey rito. Mamayang uwian ko na lang siya siguro tatanungin kung may idea siya tungkol doon.

Wala kasi akong pang-text. Saka hindi ko rin ako lumapit sa kanya no'n sa canteen. Malamang na-text na rin naman siya ng committee.

"Okay ka lang ba?"untag sa akin ni Faye.

Nag-dismissed na pala ang teacher namin nang hindi ko namalayan. Ngumiti ako sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano gagawin namin sa video teaser. Paano namin pagkakasyahin sa 30 seconds ang highlight ng sayaw namin?"

"Para saan pa at may dance instructor kayo hindi ba? I believe alam no'n ang dapat gawin," naliwanagan ako sa sagot niya.

Minsan talaga hindi ako nakakapag-isip ng maayos. Iyong tipong obvious naman ang sagot pero sa ibang daan pa rin ako nakatingin.

"Oo nga pala. Ang talino mo talaga," masaya kong sabi.

Napaismid siya. "Hindi ka lang nag-iisip."

Pabiro ko siyang inirapan. Ilang sandali pa ay lumabas na kami ng classroom. Napadaan kami sa classroom nina Zeyzey. Hindi pa tapos ang class nila.

Iba talaga kapag nasa higher section, ano? Sinusulit talaga ang lesson. Dapat nga sa amin iyon ginagawa eh. Kaagad ko namang ipinilig ang aking ulo. Ayoko pala ng gano'n. Nakakatuyo ng utak 'yon.

Huminto ako sa paglakad at tumingin kay Zeyzey na seryosong nakikinig sa teacher nila. Naramdaman ko na lang ang pag-kurba ng aking mga labi.

Mahina siyang binato ng kaklase niya nang nilukot na papel. Kunot ang noo niya nang biglang dumayo ang tingin niya sa direksiyon. Ilang sandali pa ay sumilay ang tipid niyang ngiti sa akin.

Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay tumalikod ako. Napahawak ako sa aking dibdib. Nahirapan ako sa paglunok dahil pakiramdam ko ay umakyat ang puso ko sa aking lalamunan.

Just stick to our deal , Ali. Hope you won't cross the line again.

Biglang um-echo ang sinabi niyang iyon sa akin kanina.

Huwag mong kakalimutan iyan, Ali. Stick to the deal. Huwag na sumobra roon.

Huminga muna ako nang malalim saka nagpatuloy sa paglalakad. Hihintayin ko na lang siya sa labas ng gate at doon kakausapin.

Sana naman umayos na ang lagay ng puso ko mamaya. Nauna nang umuwi si Faye at Troy dahil may pupuntahan daw silang birthday party ng kamag-anak ni Faye.

Nasa labas na ako ng gate. May iilang bench doon kaya umupo ako sa isa sa mga iyon. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng bag ko at muling binasa ang text ng committee.

Malapit na ang Dance Revo at kinakabahan pa rin talaga ako. First time kong sumali sa ganito. Gano'n din si Zeyzey. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa aming dalawa.

Pero dapat mas lakasan ko ang loob ko. Kasi kumpara kay Zeyzey, mas makapal ang mukha ko at sanay na rin naman akong humarap sa maraming tao. Kaya hindi ko dapat ipakita sa kanya na kinakabahan ako dahil baka mahawa siya at maging kalabasa ang kalalabasan ng sayaw namin.

Dahil sa wala akong magawa ay kinalikot ko ang phone. Napunta ako sa gallery nito. Matagal na sa akin ang phone na ito pero ngayon ko lang naisipang tingnan ang laman ng gallery ni Zeyzey.

Wala man lang siyang picture dito. Pawang bundok, dagat at magagandang tanawin lang naman ang nandito. Panay lang ang scroll ko hanggang sa dumako ako sa nag-iisang video sa gallery niya.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon