Alianna, Ali for Short
Aliana's POV
Pinagpasa-pasahan ng mga kaklase ko ang picture ng boyfriend kong si Mr. Z. Parang mga uhaw na uwak ang mga babae kong kaklase. Naku naman.
"Sigurado ka ba Ali na boyfriend mo ito??" di makapaniwalang tanong nila sa akin.
"Oo naman. Hindi niyo pa ba nabasa ang sa likod ng picture ng Zeyzey ko?"
"Wow. Ang sweet sweet naman ng boyfriend mo. May kapatid pa ba 'to?"
"Mmm..Meron," nakangiti kong sagot.
"Talaga?? Pakilala mo naman kami," nangingislap ang mga mata nilang nakatingin sa akin.
"Kaso nga lang babae eh."
"Aisshh. Kakainis ka naman Aliana eh!"
Pinagtawanan ko na lang sila saka kinuha na ang picture ni Mr. Z.
"Thank you talaga Mr. Z!" usal ko saka hinalikan ang picture niya na ikinatili ng mga kaklase ko. Tulo laway kayo ngayon ano. Hahaha.
Bumalik na ako sa kinauupuan ko at kinastigo na rin ako ng tanong ni Faye.
"Totoo mo bang dyowa mo na yan?" nagdududang tanong ni Faye.
"Baka nga. Tignan mo oh. May message pa sa likod at naka-address kay Ali," sagot naman ni Troy.
"Eh kahapon single ka pa ah? Tapos kinabukasan may nobyo ka na na ganito ka-gwapo at hot!?"
"Hoy! Kung makapag-puri ka sa lalaking iyan parang hindi mo katabi nobyo mo ah?" saway sa kanya ni Troy. Heto na naman sila sa Tom and Jerry relationship nila.
"Oops. Sarreh naman sweetypie. Pero di nga Aliana, sagutin mo na kasi yung tanong ko," pangungulit niya sa akin.
Sandali pa akong nag-isip kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo. Pero after ng ten seconds kong pag-iisip ay sinabi ko rin sa kanila ang totoo. I can't lie with my bestfriends. Masyado kasi akong open book sa kanila. Kaya there's no point for me na magsinungaling pa di ba? Mawawalan lang ako ng credibility kung gagawin ko yun.
"Whatt??!!" pasigaw na sabi ni Faye. Bigla namang nagsitinginan ang mga kaklase namin sa aming kinauupuan. Tinignan ko siya na parang nagsasabi na huwag magpahalata sa kanila.
"May date kayo mamaya ni boyfie mo?!" adlib niya. Whew. Salamat. Akala ko di siya sasang-ayon sa plano ko eh.
"Oo, ganun yun," sabi ko sa kanilang dalawa.
"Paano kung malaman nila na nagsisinungaling ka sa kanila? Baka ma-suspend ka rito. Or worse, expelled pa," halos pabulong na sabi ni Faye.
"Sweetypie, ayan ka na naman sa pagiging nega mo eh. Kayang lusutan ni Ali yan. Siya kaya ang reyna ng palusot kung nakakalimutan mo," paalala sa kanya ni Troy.
"Kahit na. Walang sekreto na hindi mabubunyag. It's bound to happen sa kahit anong paraan."
I know may point si Faye. Pero no choice na talaga ako eh. Ipinakilala ko na sa lahat na nobyo ko ang lalaking nasa litrato. At naniwala naman sila kaya naman hindi na nila ako pinagtatawanan at inaasar kundi kinaiinggitan na dahil I have this oh-so-gwapo boyfriend.
After morning class ay nag-lunch na kami sa canteen. Doon namin ipinagpatuloy ang naudlot na usapan sa classroom. Patuloy pa rin akong pinapa-konsensya ni Faye.
"No. Hindi kita pinapakonsensiya Ali ha. I'm just giving you the benefit of the doubt," ani niya.
Napabuntong-hininga ako. Hindi talaga ako mananalo sa babaeng ito sa argumentuhan.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Genç KurguAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...