Ang malakas na pagtawa ni Keith ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Dahan-dahan akong inilayo ang katawan ko kay Zeyzey.
"Show is over guys! Go back to your respective rooms," sabi ni Keith bago bumaling sa akin.
"I feel sorry for you, AMC," bulong niya sa akin bago siya naglakad palayo.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Isa-isa na ring nagsialisan ang mga estudyante. Naiwan kami ni Zeyzey sa labas.
"Are you okay?" tanong niya.
Mahina akong tumango. Pero nalilito pa rin ako sa sinabi ni Keith. Why is he feeling sorry for me?
"I-Ikaw boyps? Okay ka lang? Buti hindi mo ako naitulak palayo kanina," sabi ko at sinabayan ng mahinang tawa.
Hindi siya sumagot. Ilang sandali ay may tumawag sa kanya. Sabay kaming napalingon kay Alisa. Dahan-dahan siyang lumapit sa amin.
Nakita niya ba ang nangyari kanina? Sa hitsura nito ngayon ay parang oo nga. Hindi ito makapaniwalang nakatingin lang kay Zeyzey.
"Wala na ang phobia mo?" mahina niyang tanong.
Napatingin si Zeyzey sa kanyang kamay bago muling tumingin kay Alisa. Punong-puno ng pag-asa ang mga mata nito.
"I...I'm not sure," sagot niya.
"But I saw you held her hand and hugged her," may halong hinanakit sa boses ni Alisa.
Hindi nakasagot si Zeyzey. Ilang sandali pa ay muli itong nagsalita.
"Hawakan mo ako," pakiusap nito.
Dahan-dahang inangat ni Zeyzey ang kamay niya papunta kay Alisa. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko na may mga nakatingin pa rin sa mga kaklase ko at sa ibang room. Ano na lang ang iisipin ng mga ito kapag nakitang hinawakan ni Zeyzey si Alisa?
Bago pa lumapit ang nanginginig na kamay ni Zeyzey kay Alisa ay tumikhim ako. Pareho silang napatingin sa akin.
"M-Marami ang nanonood. Alam niyo naman siguro ang sitwasyon hindi ba?" sabi ko at tumingin kay Zeyzey.
"Ikaw ang dahilan ng sitwasyon na ito," singit ni Alisa.
Bakas sa mukha niya ang galit. Ayokong may ma-conclude ang mga nakakakita.
"Huwag dito. Doon tayo sa garden," sabi ko at saglit na tumingin kay Zeyzey bago nagpatiunang lumakad palayo.
Ramdam ko naman ang pagsunod nila sa aking likuran. Mabilis ang ginawa kong paglakad kaya mabilis kaming nakarating sa garden. Dito ay bihira lang ang dumadaan. Huminto ako sa may fountain at humarap sa kanila.
Pinilit kong ngumiti kahit parang tinutusok ang puso ko. Nakatingin sila sa isa't isa na para bang hindi na nila kailangang magsalita para magkaintindihan.
"A...Aalis na ako," naisabi ko na lang at kaagad na tumalikod.
"Hold my hand," dinig ko pang utos ni Alisa.
"Babalik ka na ba kapag nahawakan na kita?" sagot ni Zeyzey na bumaon sa puso ko.
Napakagat ako ng labi. It's okay, Ali. Isa ito sa napagkasunduan niyo di ba? Na tulungan siyang mawala ang phobia niya at makipag-balikan kay Alisa. And maybe ito na ang panahon na iyon.
Bakit hindi pa nangyari ito noong wala pa akong feelings kay Zeyzey? Hindi sana ako nasasaktan ng ganito ngayon.
"Hold me first," matigas na utos nito.
"Alright," mahinang sagot ni Zeyzey.
Nakakainggit na kaya nitong paamuhin siya. Na willing siyang sumunod sa kung ano man ang utos nito. Nakakainggit na gano'n niya ito kamahal.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
TienerfictieAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...