Execution
Maaga akong nagising kinaumagahan. Kailangan pa kasi naming magplano para sa gagawin namin mamayang hapon.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kinakabahan dahil baka pumalpak ang plano. Excited dahil gusto kong malaman kung effective nga ba itong gagawin namin.
Sana naman ay sumang-ayon lang ang tadhana sa mangyayari mamaya. Kapag nasolusyunan namin ang phobia ni Zairone, wala na talaga akong poproblemahin. Saka, masaya na rin akong nakatutulong sa kapwa.
Napangisi ako sa isiping iyon. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Zairone kapag nalaman niyang wala na siyang aphenphosmphobia?
"Hoy anong nginingisi-ngisi mo riyan? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" untag sa akin ni Faye.
Nasa classroom na kami ngayon kasama si Troy. Kaming tatlo pa lang ang nandito kasi nga maaga kaming pumasok para mapagplanuhan ito ng maayos.
"Oo naman. Okay na nga," sagot ko.
"Sigurado ka bang hindi aatras ang mga kaibigan ni kuya Poldo?"
Kaagad akong tumango. "Kilala ko ang mga iyon. Alak ang Diyos nila. Kaya nang sinabi kong gano'n ay pumayag agad sila," masaya kong sabi.
"Then that's good. Isa na lang ang problema mo, " ani Troy kaya napatingin kami ni Faye sa kanya.
" Ano?" tanong ko.
"Ang mapapayag si Zairone na samahan kang umuwi mamaya."
Napangiwi ako. Oo nga pala. Kailangan kong mag-isip kung papaano ko mapapayag si Zairone na samahan akong umuwi mamaya.
Dahil kung hindi siya papayag, wala ring kuwenta ang planong ito. Think, Ali. Just think. That's all you have to do.
Nag-iisip pa rin ako sa pwedeng maging dahilan para mahatid ako ni Zairone. Paglabas ko ng CR ay nakasalubong ko si Alisa. Nagulat pa siya nang magtama ang paningin namin.
Ewan ko ba. Hindi ko na siya feel ngayon. Naiinis ako sa kanya.
"Kayo ba talagang dalawa?" tanong niya nang akma na akong aalis.
Pumihit ako paharap sa kanya. "Bakit mo naitanong? Affected ka ba?"
Say yes, please. Para naman may progress itong ginagawa namin.
"I'm not. Dahil kilala ko si Z. He loves me. And he'll do anything to win me back. And I know na strategy niyo lang iyan para magselos ako at bumalik sa kanya. I'm not jealous. Not a single bit as long as I know that his eyes are still on me, " sabi niya at pinagsarhan ako ng pinto ng CR.
Napabuga ako ng hangin. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko naman siya matatawag na makapal ang mukha dahil tama naman ang sinabi niya.
Naaasar ako. Pero at the same time naaawa na naman kay Zairone. Kung bakit ba naman kasi palagi siyang nakatingin sa Alisa na iyon eh.
"Sa akin ka kasi tumingin!" pinandilatan ko ng mata si Zairone nang pumasok sa canteen si Alisa at mga kaibigan nito.
Nakakunot noo niya akong binalingan. "What?"
"Nagkasalubong kami kanina. At...medyo nag-usap kami."
Now I have his full attention. Kapag talaga kay Alisa, sobrang interesado siya. Swerte talaga ng babaeng iyon. Bakit hindi nito makita kung gaano siya kaswerte sa lalaking kaharap ko?
"What did she say?"
"Hindi siya nagseselos."
Na-disappoint siya sa sinabi ko kapagka ay napakamot ng noo. "I told you, it's not working. It won't work. Your idea," bigo niyang sabi.

BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Fiksyen RemajaAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...