Ali's POV
"What? Kayo ang isa sa mag-partner na pinili ng club niyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Faye nang ikuwento ko sa kanila ang nangyari.
"Isn't it amazing? Omg! Kahit sa English Club ako, ichi-cheer ko pa rin kayo talaga. Ako kaya ang number one supporter ng AliZone!" kinikilig na sabi naman ni Carol.
"AliZone?" sabay na tanong namin ni Faye.
Napangiwi si Carol sa aming dalawa. "Combined word sa pangalan niyo. Ali saka Zairone equals AliZone! O di ba? Kabog ang LizQuen, KathNiel at JaDine sa loveteam niyo!" paliwanag nito.
"Baliw ka," natatawang sabi ni Faye subalit pasimple akong kinindatan..
Para saan naman kaya 'yon? Pero in all fairness ha. Ang cute nga ng AliZone. Feel na feel naman ng lola niyo.
"Pero ano na nga? Anong isasayaw namin?" muli akong nagseryoso.
I need to take it seriously. Dahil di ba nga? Pinangako ko sa sarili ko na tutulungan ko si Zeyzey. Ang teenage dream niya. Kailangan maging unforgettable experience ito sa kanya.
"Sensual dance! Iyong magkahawak-kamay. Nagkakayakapan at iyong maghahalikan!" nangangarap na suhestiyon ni Carol.
Pareho kaming napangiwi ni Faye. Buti sana kung ganon lang kadali iyon. Pero hindi eh. May phobia si Zeyzey. Ayaw niyang magpahawak. At isa pa kahit walang phobia iyon, papayag ba iyon na yumakap sa akin at makipagholding hands? Nako. Puputi lang ang uwak.
"Common na 'yan, eh," sansala ni Faye.
Napalabi naman si Carol. "Eh ano? Lahat naman gano'n ah. Wala namang problema iyon kasi mag-jowa naman kayo di ba?" nang-aasar na tanong nito sa akin.
"Kailangan unique. Iyong kakaiba talaga," problemadong sabi ni Faye.
Napaupo na lang ako sa damuhan dahil wala rin naman akong maisip na maganda. Wala sanang problema kung wala lang phobia si Zeyzey eh. Hindi ko poproblemahin na kahit maaksidente ko siyang mahawakan eh hindi siya magugulat at matatakot.
Paano kung sa pagsayaw namin at masagi ko siya eh magulat siya at takbuhan ako? Nakakahiya kaya iyon. Baka isipin ng iba lalo na ng Lothel at friends na takot sa akin ang boyps ko kaya tinakbuhan na lang ako bigla. Hindi maaari!
Nasa malalim akong pag-iisip nang niyugyog ni Carol ang balikat ko. Natauhan ako at nilingon ang inginunguso niya. Grupo iyon ng mga kalalakihan at kasama na roon si Zeyzey.
Nagkakatuwaan ang mga ito at nakita kong nakikitawa na rin ito sa kanila. Ilag pa rin at may distansiya pero at least tumatawa na. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil do'n. Ewan ko ba. Ang saya ko lang kapag nakikita siyang nakangiti.
Nang napagawi ang tingin niya sa direksiyon namin ay kumaway agad ako sa kanya. Nakangiti siyang tumango sa akin. Uma-upgrade na talaga ang lolo niyo.
"Girl, wala na sila. Tama na ang kaway-kaway riyan. Mukha ka ng timang. Pangiti-ngiti ka pa. Nako. Kaasar ang beauty mo ha," puna sa akin ni Carol.
Panay pa rin pala ang kaway ko kahit nakapasok na ang mga ito sa kanilang classroom. Nang mapatingin ako kay Faye ay binigyan niya ako nang nang-iintrigang tingin kaya naman sumeryoso na ako.
Baka ano na kasing isipin ng babaeng ito. Mahirap na.
"Eh ano na ngang gagawin natin?" pag-iiba ko na lang ng usapan.
"Isama na lang natin sa dance steps ang pagkaway-kaway habang nakangiti," nang-aasar na sabi ni Faye.
Ayan na. Sabi ko na nga ba eh.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...