Kabanata 53

1.1K 71 39
                                    

Z's POV

I woke up feeling empty. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko lately.  Tinatamad akong bumaba ng aking kuwarto. Dumiretso ako sa kusina.

Dad's sitting at the long table. He's holding a newspaper with his black coffee on his right side.

"Good morning, dad," bati ko sa kanya.

"How's school?" nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Fine, dad," sagot ko sa kanya at naupo.

"Walang may kakaibang pangyayari sa paligid mo?"

Nag-isip ako. Maliban sa itong pagiging empty ko lately, I haven't noticed something strange around me. Well, yeah of course...except Ali. Sa tuwing nakikita niya ako ay umiiwas siya agad sa akin ng tingin.

Wala sa sarili akong napabuntong-hininga.

"You got a problem?" nakababa na ang newspaper sa kanyang kandungan.

Ilang sandali pa ay pumasok na rin sa kusina si mommy. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. "Morning, mom."

"Good morning iho. How's school? Something strange around?"

Napakunot na ako ng noo. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Now this is strange. Bakit pareho sila ng mga tanong sa akin?

"What's going on?" nagtataka kong tanong sa kanila.

Nagkatinginan muna sila bago ako hinarap ni mommy. "We reopened your case kasi nga may witness na sa taong nagpa-kidnap sayo."

Mahina akong tumango. I knew about this. Ito iyong nilalakad nila these past few days."Who's this witness?"

"I don't want you to worry about this, anak. Kami na ang bahala rito," ani mommy.

Kaagad akong umiling. "I can handle this already, mom. I want to know what's happening here. At bakit pareho kayo ng mga tanong sa akin ni dad."

Gulat na napatingin si mommy kay daddy. He shrugged at her. Napabuntong-hiningang muling humarap sa akin si mom.

"The witness was also involved in kidnapping. Siya ang driver nang kinidnap ka," maingat niyang paliwanag sa akin.

"Bakit ngayon lang siya nagpakita? He needs money?" may halong galit sa tanong ko.

Hindi ko na namumukhaan ang kumuha sa akin noon dala na rin siguro sa trauma na natamo ko. Pero alam kong umiyak ako noon at nagmakaawa sa kanya subalit hindi niya ako pinansin.

Umiling silang pareho. "He just wanted forgiveness from us. From you," sagot sa akin ni dad.

Napabuga ako ng hangin. "Gano'n na lang 'yon? Hindi ba siya naawa sa akin noong time na nagmakaawa ako sa kanya? And now he's asking for forgiveness? Unbelievable," mapakla akong tumawa.

"That's why we told him na kailangan niyang harapin ang nararapat na parusa. Do you want him jailed?" tanong sa akin ni mommy.

Sandali akong napaisip. He should be held responsible for his mistakes. Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya. Ilang sandali pa ay mahina akong tumango.

"Alright. Mas mabuti na nga rin na sinabi na namin sayo ito. We are deeply hurt about what happened to you. How much more your feelings. We respect your decision. Dahil iyan din ang balak namin ng daddy mo. Kung kailangan niyang makulong, ipapakulong natin siya at ang iba pa niyang kasama."

"Did he tell you who's behind my kidnapping?" tanong ko sa kanila.

"That's one more thing. He's negotiating. He will tell the master mind kung hindi natin siya ipapakulong," sagot ni dad.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon