Ali's POV
Muli akong siniko ni Faye. Tumingin ako sa kanya. Kahit hindi siya magsalita, naiintindihan ko na ang gusto niyang iparating. Pinilit kong ngumiti. Kailangan kong ngumiti dahil iyon lang naman ang magagawa ko sa ngayon.
Ito na nga yata ang sinabi ni Faye noong simula pa lang. Na may consequences sa pagsisinungaling. And I guess isa na nga ito sa mga 'yon.
Tumingin ako kay Zeyzey na ngayon ay nakapila na sa counter. I wondered what happened. Si Alisa halatang may pino-problema. Si Zeyzey naman ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa menu na nakapaskil sa itaas na bahagi ng counter.
He simply glanced at her bago siya umalis ng counter dala ang in-order niyang pagkain. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nang magtama ang mga mata namin ay tipid siyang ngumiti.
Napabuntong-hininga ako. Kahit sa simple niyang pagngiti ay bumibilis ang tibok ng puso ko. This isn't right.
"Saan kayo pupunta?" puna ko nang makita ang dalawa na nagliligpit na pinag-kainan nila.
"May announcement ang coach namin," sabi ni Troy at nauna nang umalis.
Pinagtaasan ko ng kilay si Faye. Ano naman kayang alibi nito?
"Tatapusin ko lang assignment sa Physics."
"Wala tayong assignment sa Physics. "
"Ay. Sa English pala," sabi niya at pekeng tumawa.
"Magkaklase tayo baka nakakalimutan mo? At wala tayong assignment ngayong araw," pagpapaalala ko sa kanya.
"Sa magazine! Tama. May ipapasa pa kaming article. Kaya diyan ka muna ha? See you later, Ali!" kumindat muna siya sa akin bago umalis.
Iniwan nila ako para mag-isang kausapin si Zeyzey na ngayon ay papunta na sa mesa namin. Ang supportive ng mga kaibigan ko. Grabe.
Mahina niyang inilapag ang food tray sa mesa at umupo sa inupuan kanina ni Troy.
"They don't want me here?" panimula niyang tanong.
"Ha?"
"Your friends. They don't want me here kaya umalis sila agad," may halong lungkot sa boses niya.
"Naku. Hindi, hindi! May kanya-kanya lang silang responsibilidad ngayon. Alam mo na. Basketball player si Troy tas publication staff naman si Faye," maagap kong paliwanag sa kanya.
Mahina siyang tumango. "You're the only one who's not busy."
Saglit akong natahimik. Oo nga ano. Sa aming tatlo ako lang walang extra-curricular activity. Napatingin ako sa kanya. Nagsisimula na siyang kumain. Titig na titig ako sa kanya nang magsalita siya.
"Why I can't do it?"
Umayos ako nang pagkakaupo. Baka mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ayoko nang ilagay ulit sa kahihiyan ang sarili ko sa harap niya.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.
"I can't make myself touch her. I tried pero...something's stopping myself to do it," sabi niya at tumingin sa akin.
Ang lungkot ng mga mata niya. Sa sobrang titig niya sa akin ay nakikita ko na ang repleksiyon ko sa kanya.
"Pero bakit ikaw? Nahahawakan naman kita minsan."
Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin kasi alam. Pero imbes na sabihin iyon ay nag-isip na lang ako ng paraan para hindi na siya mag-isip ng gano'n.
"Siguro kailangan pa ng time. Magagawa mo rin iyan. Kumbaga, 50 percent na yung chance na masugpo ang phobia mo. Hindi ba malaki ng progress iyon kumpara sa dati na zero percent talaga?"
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...
