Kabanata 45

1.1K 90 42
                                    

Ali's POV

"Hey," tawag sa akin ni Keith kaya nilingon ko siya.

Nagtataka ko siyang tiningnan. "Ang boring 'no? Parang ang saya manira ng relasyon," nakangising sabi niya.

"Simulan natin dito."

Nagulat ako nang hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko papunta sa likod ng aking kaliwang tenga. Gano'n din sana ang gagawin niya sa kabila subalit may isang kamay ang pumigil sa kamay ni Keith para gawin iyon.

Nagpalipat-lipat ang aking tingin kay Keith na nakangiting-aso at kay Zeyzey na nakatiim-bagang habang pinipigilan ang kamay ni Keith na makahawak sa akin.

"What are you doing?" malamig na tanong ni Zeyzey.

"What are you doing?" pambabanas ni Keith sa habang palipat-lipat ng tingin sa kanya at kay Alisa na papalit na sa amin.

Hindi nakasagot si Zeyzey. Kaagad na tinanggal ni Keith ang kamay niya rito.

"Sorry. May phobia ka nga pala," mahinang sabi nito na kami lang ang nakakarinig.

"Stop it, Keith," saway ni Alisa rito.

Umangat ang kanang kilay ni Keith nang bumaling ito sa kanya. "Are you jealous? Na kaya niya akong hawakan samantalang ikaw ay hindi?"

Nararamdaman ko na ang tension sa kanilang tatlo. Pa-simple kong ginala ang aking paningin. May mga manaka-nakang nanonood sa amin. At nababahala ako na mas lalo pang lumaki ang isyu. Huminga ako ng malalim bago bumaling kay Zeyzey at ngumiti.

"Bakit ngayon ka lang boyps? Akala ko hindi ka na darating eh."

Tiningnan niya lang ako pero hindi siya sumagot. Napalabi ako. Ang suplado! Hindi pa rin ba nakikipagbalikan si Alisa sa kanya?

"Upo na tayo roon," muli kong sabi sa kanya at itinuro ang bakanteng upuan sa pinakadulong bahagi ng gym.

Mahina siyang tumango. Nakipagsukatan muna siya ng tingin at bumaling kay Alisa na nakakunot lang ang noong nakatingin din sa akin.

Bakit ba parang ang weird ng mga tao ngayon? Alam na ba nila iyong feelings ko kay Zeyzey?

"Hey, AMC. Don't forget our date after this," sabi ni Keith at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

"Oo na," sabi ko at tumalikod na sa kanila.

"So you have a date with him?" tanong ng boses sa aking likuran.

"Hindi naman date 'yon," sagot ko at naupo na.

Nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko. Kailangan ko pang tumingala ng sobra para lang makita ang mukha niya. Bakit kasi ang tangkad ng lalaking ito?

"It's a date," muling sabi niya.

Saglit akong napaisip. Eh ano naman ngayon kung date nga iyon? Hindi ba pwedeng mag-date ang magkaibigan?

"And he even said in public that he will court you."

Hindi ko mapigilan ang ma-amaze dahil sa siya na mismo ang nag-i-initiare ng topic.

"What?" suplado niyang tanong.

Napailing ako. Pinag-krus ko ang mga kamay sa aking harapan saka ngumisi.

"Nagseselos ka ba boyps?" may pang-aasar kong tanong sa kanya.

Nalaglag ang panga niya sa tanong ko. Mas lalo akong ngumisi. Ang dami-daming bagong reactions akong nakikita sa kanya lately. Ang gwacute!

"Why would I?"

"Sabi ko nga," napalabi kong sabi. "Maupo ka na nga. Nakakangalay makipag-usap sa'yo nang nakatingala. Ang tangkad mo kasi," reklamo ko.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon