Plano
Ipinakita ko kina Faye at Troy ang ginawang haiku sa akin ni Zairone. Syempre sa kanilang dalawa lang ano. Baka kasi malaman ng ibang inggiterang kaklase ko na nagpagawa lang ako at baka isumbong pa ako kay sir.
"Ang ganda ng sulat-kamay niya ano?" sabi ni Faye habang ibinalik sa akin ang papel.
"Sus. Maganda rin naman 'yong sa akin ah," segunda naman ni Troy.
Napangiwi na lang ako sa sinabi nito. Ibinalik ko sa bag ang papel saka nagpatuloy sa pagkain. Iniisip ko pa rin kasi kung paano ko matutulungan si Zairone sa deal namin.
Ang hirap naman kasing sugpuin ang phobia niya. Iyong pagpapaselos thingy namin kay Ali, madali lang iyon. Makipag-cooperate lang sana siya sa akin.
"Oh ba't ang lalim na naman yata nang iniisip mo d'yan," untag sa akin ni Faye.
"Iniisip ko kasi paano ko matutulungan si Zairone na ma-overcome iyong phobia niya eh," sagot ko.
Nagkatinginan silang dalawa na para bang hopeless. Ayokong mawalan ng pag-asa dahil alam kong may paraan pa. Saka phobia lang naman 'yan eh. Kumbaga nasa isip lang ng tao.
"Familiar ka ba sa adrenaline rush?" tanong sa akin ni Troy na ikinasalubong ng mga kilay ko.
"Hindi. Ano ba 'yan?"
"Adrenaline rush. Iyong akala mo hindi mo kayang gawin pero in times of emergency nakaya mo pala," paliwanag naman ni Faye.
Napakamot ako ng noo. "Hindi ko masyadong gets."
"Okay. For example, in a normal situation, hindi ko kayang buhatin ang washing machine namin. Pero no'ng nagkasunog eh nabuhat ko pala. That's what adrenaline rush can do to a person," sabi naman ni Troy.
"Ah. I see. So ibig sabihin, gagawa tayo ng isang emergency situation kasama si Zairone?"
"Tumpak!"
"Anong klaseng emergency naman iyon?" tanong ko sa kanila.
"Kunwari gagahasain ka ng isang gang."
"Ako gagahasain?" halos napasigaw kong tanong kaya napalingon sa amin ang ibang estudyante.
Nakakahiya talaga itong bunganga ko minsan. Walang preno. Pero naman kasi eh. Ang dami namang scenes pero bakit iyong gagahasain pa ako?
"Wala na bang ibang eksena? Ayokong magahasa!"
"Kunwari lang naman ano ka ba. Syempre maghahanap tayo ng mga lalaking kunwari ay gagahasa sayo. Babayaran na lang natin," sabi ni Faye.
Tumango-tango ako. Para ngang okay ang idea ah.
"Pero saan tayo kukuha nang pambyad sa kanila? Wala kaya akong extra na pera," nakanguso kong sabi sa kanila.
"Hindi ba at maraming tambay at lasenggero sa barangay niyo? Pakiusapan mo kaya. Na bibilhan mo sila ng Tanduay saka pulutan kapag nagawa nila ang konting dramang gagawin," suhestiyon ni Faye.
Napangisi ako. "Ang talino mo talaga Faye! Sige, sige. Gagawin ko 'yan. Harmless naman mga tao ro'n kahit lasing eh. At magkakakilala na kaming lahat kaya walang problema d'yan!"
"Alright. So kelan isasagawa ang plano?" tanong naman ni Troy.
"Sa Biyernes na lang. Kakausapin ko pa kasi sila eh. At sasabihin kung ano ang mga gagawin. Saka syempre, kailangan ko ring kausapin si Zeyzey."
"Speaking of," sabi ni Faye at may inginuso sa labas.
Lumingon ako at nakita si Zeyzey na papasok ng canteen. As usual, mag-isa na naman ang prinsipe ko. Joke lang. Ngayong nalaman ko na ang kalagayan niya ay mas lalo ko siyang iintindihin. Sino ba ang may gustong magkaroon ng gano'ng phobia di ba?
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...