Kabanata 31

1.9K 96 38
                                    

Ali's POV

Habang nakasakay kami sa taxi papuntang dance studio ay panay ang tingin ko sa aking relo. Hindi pa naman kami mali-late. Siguro? Wala rin kasi akong idea kung saan banda ang studio eh.

Napabaling ako kay Zeyzey na tahimik lang na nakamasamid sa labas ng sasakyan. Ang mga bag namin ang kumain ng espasyo sa aming pagitan.

Bahagya pa akong nagulat nang bigla siyang lumingon sa akin. Napakunot siya ng noo. Pilit akong ngumiti.

"May sasabihin ka ba?"

"Kanina meron. Pero ngayon nakalimutan ko na eh," sabi ko sabay kamot sa batok ko.

"Katulad nang pagkalimot mo na ikuwento ako sa ate mo?" walang ka-emo-emosyon niyang tanong bago muling humarap sa bintana.

Panandalian akong natahimik dahil pinipilit ko pang pino-proseso ang sinabi niya.

"Boyps, sorry na. Eh kasi naman kapag ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa atin, hindi ako titigilan no'n eh. Sobra pa 'yon kay inay ka mausisa," paliwanag ko.

Hindi siya umimik. Hindi yata kuntento. Napabuntong-hininga ako bago hinawakan ang manggas ng damit niya.

Namilog ang mga mata niyang napalingon sa akin. "Anong ginagawa mo?"

"Naikuwento ko lang sa kanya si Keith kasi kinukulit talaga ako ng lalaking iyon eh, " patuloy ko sa pagpapaliwanag.

Pa-sarkastiko siyang ngumiti."Pero ang pangungulit mo sa akin hindi mo binibida sa kanya?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Huminto ang taxi sa tapat ng isang dance studio. Bago siya tuluyang lumabas ay lumingon siya ulit sa akin.

"Ba't hindi na lang siya ang kausapin mong magpanggap na boyfriend mo?", sabi niya at nauna nang lumabas.

Napakurap-kurap ako. Hanggang ngayon ba eh nireregla pa rin siya. Paglabas ko ng taxi ay napatingala ako sa kung saan nakapaskil ang pangalan ng studio. Tahimik ko iyong binasa bago napagpasyahang pumasok na sa loob.

Muntik pa akong mangudngod sa sahig dahil hindi ako na-inform na automatic pala ang glass door. Akala ko kasi ay kailangan pang itulak iyon or what. Buti na lang talaga at walang tao.

Pero napangiwi ako nang nakitang nasa dulo lang pala si Zeyzey na nakatingin sa akin. Napailing siya na parang disappointed sa ginawa ko. Tumalikod siya habang ako naman ay tumalikod din para mapagtakpan ang hiya ko. Ano na, Aliana?

"Ate Ganda!" matinis na boses ang aking narinig.

Napalingon ako at nakita si Patty na naka-school uniform pa. May kasama itong isa pang babaeng estudyante. Siguro ay kaklase niya. Maluwang ang ngiti ni Patty habang nagmamadaling lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"I really miss you po," sabi niya at pinakawalan na ako sa pagkakayakap.

Nakangiti lang ako sa kanila. Wala pa ring ideya kung bakit naririto rin sila. Lumapit na rin sa amin ang seryosong si Zairone.

"Buti naman at on time kayo. Nakausap na namin ang DI niyo," masiglang paliwanag ni Patty.

"DI?" nagtataka kong tanong.

"Dance instructor," walang ganang sagot sa akin ni Zairone.

Nagpatango-tango lang ako. Ba't kasi mahilig silang mag-abbreviate ng mga words? Nakakatalino ba 'yon?

Ilang sandali pa ay dumating ang isang matangkad at may kapayatang babae. Kung pagbabasehan ang hitsura niya siguro mga ka-edad niya lang ang kuya Charlie ko. Nang nakita kami ay lumuwang ang pagkakangiti nito.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon