Kabanata 17

2.1K 101 8
                                    

Cake

ALI'S POV

May mga bagay sa buhay natin na hindi natin inaakalang mangyari. Tulad na lang na isang mahirap ang nanalo sa lotto.  Magandang babae na nakapag-asawa ng 4M (Matandang Mayaman, Madaling Mamatay). At isang babaeng maid na nagustuhan ng isang napakagwapo at napakayamang binata.

Tulad ko rin. Hindi ko inaasahan na sa paghahabol ko sa dalawa kong kaibigan ay nadapa ako.  Hindi ako kaagad bumangon dahil parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa!

"Ali? My God! Bakit ang lampa-lampa mo?" dinig kong tanong ni Faye.

Pinilit kong bumangon at tinulungan nila akong tumayo. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Kasalanan niyo 'to!" sumbat ko sa kanila. 

I'm not sure kung ilang pares ng mga mata ang nakasaksi sa unexpected moment of my life.

"Sino ba kasing nagsabi na habulin mo kami?" natatawang tanong ni Faye.

Nakita kong naghawak-kamay sila ulit sa harapan ko. Napairap na lang ako sa lupa. Inaasar nila ako.  Por que daw hindi ko pwedeng mahawakan sa kamay si Zairone for two reasons.

Una,  dahil sa phobia niya. 

At pangalawa,  dahil hindi ko naman siya tunay na boyfriend!

Kaya ang dalawang ito, todo makaasar sa akin ngayon.  Hindi ko alam kung bakit trip nila ako ngayong araw.

"Sige, magsaya kayo ngayon.  Dahil balang araw,  maghihiwalay rin kayo.  Nasa akin pa rin ang huling halakhak, " sabi ko at humalakhak ng malakas.

"Hoy! Foul na 'yan.  Huwag mo namang hilingin ang ganyan,  Ali,"  nakangusong sabi ni Faye.

Nginisihan ko lang siya. 

"Hindi mangyayari iyan, sweetie pie.  Alam mo namang mahal na mahal kita eh, " malambing na sabi ni Troy saka hinalikan ang kamay ni Faye na hawak niya. 

"Ugh! Umalis na nga kayong dalawa. Nakakadiri kayo!"  natatawang pagtataboy ko sa kanila. 

"Makapandiri ito. O bakit? Sinong hihintayin mo? Ang fake boyfriend mo?" nang-aasar na tanong ni Faye. 

Pinandilatan ko siya.  "Ano ba.  May makarinig nga sa'yo."

"Ay sorry. Siguro ka? Mauna na kami sa'yo?" 

"Oo nga.  Sabay na lang kami ni Zairone.  May sasabihin pa kasi ako sa kanya eh, " I said as a matter of fact. 

Sasabihin ko sa kanya na alam na n Keith ang tungkol sa pagpapanggap namin. Nag-aalangan pa ang dalawang umalis pero napilit ko rin sila. Nang makaalis na sila ay saka ko pa lang nararamdaman ang pananakit ng tuhod ko. 

Tinaas ko ang jogging pants ko at nakitang may mga galos sa may handang tuhod ko. Kaya naman pala.  Muli ko itong binaba. Buti na lang at naka-jogging pants ako ngayon.  Gagamutin ko na lang ito mamaya aa bahay. 

Tinungo ko ang daan patungo sa last subject ni Zairone. Saktong-saktong pagdating ko ay patapos na ang klase nila. Iba talaga kapag higher section ka. Hanggang 5pm kasi ang klase nila habang sa amin naman ay 4 pm lang. Hindi ba dapat ay kami ang mag-extend ng class hours? Hindi sila na matatalino na. 

Eh! Ayoko naman ng ganon.  Curious lang ako.  Ilang sandali pa ay parang mga torong nakalabas sa kulungan nila ang mga kaklase ni Zairone. 

"Oy Zairone! Bilisan mo na.  Naghihintay na rito girlfriend mo.  Mahiya ka naman!" kantiyaw ng babaeng kaklase nito.

Hindi nga nagtagal ay lumabas na rin siya.  Napakunot ako ng noo nang makitang nakabusangot ang mukha niya. Kaagad akong lumapit sa kanya. 

"Luging-lugi ah," pang-aasar ko. 

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon