Alisa's POV
Simula nang makita ko ang picture ni Aliana sa office ni dad ay hindi na ako mapakali. May pumapasok sa isip ko pero I won't jump to conclusion. I couldn't confront dad about it. I have to ask mom first.
Bago maghapunan ay nilapitan ko si mommy sa sala. Mag-isa lang siya roon at may tinitingnan sa isang fashion magazine.
"My..." tawag ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Yes, iha?"
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at naupo sa couch na malapit sa tabi niya.
"Can I ask something?"
Nakakunot-noo siyang tumango. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago siya tanungin.
"'My...nagkaanak po ba si daddy sa ibang babae?" mahina kong tanong.
Shock was written all over her face. Kumalabog ang puso ko. Ngayon pa lang ay napapatunayan na ang conclusion ko.
That Aliana could be her daughter from another woman!
"No. No, iha. That's impossible," pailing-iling na sabi niya.
Gusto ko pa sanang sabihin sa kanya ang tungkol sa picture na nakita ko. But seeing her now like she's about to cry made me stop from telling her.
Kaya may picture si dad ni Aliana kasi pinapahanap niya ito. And he found her! Does it mean na ipapakilala niya ito sa amin sooner?
No way! Hindi ko matatanggap! I won't let her come and completely destroy our family.
Bata pa lang ako ay naririnig ko na ang minsanang away ng parents ko dahil sa pambabae ni dad. Pero hindi ako naniniwala roon. Mom has the tendency to overthink things.
After nilang magtalo, dad would always come to me and explained everything. Na wala raw siyang ibang babae at si mom lang ang mamahalin niya habang buhay.
Not until now. All this time, mom was right. He had an affair. And nagbunga ang pangangaliwa nito.
Tiningnan ko lang si mommy na tumayo at naglakad palayo papunta sa kanyang kuwarto. Pinunasan ko ang aking luha.
Hinding-hindi ka makakapunta rito sa bahay, Aliana. I won't let that happen. I won't let you hurt my mother. At hindi ko papayagan na maagaw mo sa akin si Zairone.
Bukas, pagkatapos ng dance revo...makikipagbalikan na ako.
***
Patty's POV
"Kuya! Open the door!" sunod-sunod ang pambubulabog ko sa pinto ni kuya.
Paano naman kasi ang dami-dami kong iniisip. Bukod sa schoolworks namin, kinakabahan na ako para sa dance revo nila kuya at ali Ganda bukas. And...
"What?" masungit na bungad ni kuya pagkabukas ng pinto.
"After two months uuwi na rin ang nagpapayaman nating parents!" sabi ko at deretsong pumasok na sa loob.
"Bukas na raw ang uwi nila and magfa-family dinner daw tayo sa labas. Hindi ko nga alam kung bakit..."napahinto ako sa pagsasalita nang makita ang kama niya. "...ang kalat ng higaan mo kuya!" bulalas ko.
Yung laman ng kanyang backpack bag ay nakalabas lahat. Yung ilang damit niya galing sa cabinet ay nagkalat din doon sa kanyang kama. This is so un-kuya!
"Anong nangyayari?" nagtataka kong baling sa kanya.
Tinatamad siyang dumiretso sa study table. He pulled the chair at umupo roon. Something's fishy.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...