Who Is She?

1.1K 44 19
                                    

"Whitney! Umahon ka na diyan at sobrang tirik na ng araw!" dinig kong sabi ng kaibigan kong si Elise.

Hindi ako kumibo. I could feel the blazing heat of the almost high-noon sun. The sea breeze enveloped my slender body. Napangiti ako at ilang sandali pa ay mabilis akong tumakbo papuntang dagat at saka sinalubong ang alon.

Sumisid ako at nagsimulang lumangoy. I tried to open my eyes and I coule see the white sand below. Gusto ko pang pumunta roon pero ramdam ko na kakapusin na ako ng hangin.

Next time magpapasama na talaga ako sa mga kaibigan kong mag-scuba diving.

I was almost at the top nang maramdaman kong may bumangga sa bunbunan ko. Nakita kong isang lumulutang na bote ang tumama sa akin. Inis kong kinuha iyon at dinala nang umahon na ako sa tabing-dagat.

Hinihingal akong umupo sa buhanginan. Napahawak ako sa aking ulo saka muling tumingin sa bote na nasa right side ko. Nang makabawi sa pagkahingal ay saka ko lang tiningnan nang maige ang bote.

It's a clear bottle pero may nakalukot na papel sa loob. I open the cork of the wine bottle at saka binaliktad ito para lumabas ang papel.

Bumagsak ito sa lupa. Kinuha ko iyon at binuksan. This is a sort of a letter I guess? Kumunot ang aking noo sa nabasa.

What a very sad letter it is.

Medyo tanga rin ang sumulat ha?

Nagpapaniwala masyado sa next life. Ano 'yon? Reincarnation? Gano'n?

Muli kong binalik ang papel sa bote at dinala na iyon papunta sa cottage namin. I'm with my friends here in Batangas dahil birthday ng isa naming kaibigan. Mag-o-overnight daw pero hindi ako pinayagan.

Bago gumabi ay kailangan ko nang bumalik sa Manila. Our family driver is just waiting outside the resort. Ayoko talaga ng ganito. 25 years old na ako pero kung ituring ako ng mga tao sa bahay eh parang kindergarten.

Katwiran nila, ayaw na nilang maulit ang nangyari sa akin noon. Nakakainis lang na ilang beses ko nang sinabi na I am fine and that they have nothing to worry about. Pero sila pa rin ang nasusunod.

I want my freedom. Gusto kong makalaya sa mga mata ng parents ko na anytime ay may gagawin akong kalokohan. Gusto kong makalaya sa mga kapatid ko na palagi akong kino-kumpara. Na kesyo ganito si ate number one , ganyan si ate number two at kailangan kong sundin ang mga yapak nila.

They want me to do things that I really don't want to do. How can I prove myself better if I can't do the things that I really want? How can I be successful if I don't have my freedom?

Kaya nang makarating kami ng driver sa Manila, naghanap ako ng paraan para makatakas. Hindi ko alam kung tanga lang mga bantay sa bahay or hinahayaan na lang nila ako minsan dahil umuuwi naman ako sa buhay bago pa magising sina mom, dad, and my two puppet sisters.

Wearing my pink wig na kakabili ko lang sa online shopping, pumunta ako sa BGC para mag-clubbing. I want to call some of my friends but then I realized, wala pala talaga akong tunay na kaibigan.

I don't want them to consider me as their friends when they don't even know my real name. Simula nang nangyari many years ago, mahigpit na binilin ni dad na huwag ko raw sasabihin ang totoo kong pangalan. Kahit na kanino.

Maraming kalaban sa negosyo si dad kaya palaging puntirya ng mga iyon ay kaming mga anak niya. Me and my sisters have been kidnapped before. Nakukuha lang dahil sa napakalaking ransom na binibigay.

My two sisters are freed from my parents claws because they are now very successful. At pareho na silang engaged sa kani-kanilang boyfriend na galing din sa mayayamang pamilya. Rason ni dad, they can protect my sisters.

Kaya ako na lang ang nananatiling nakakulong. They even tried to find me a man na nasa corporate world pero once malaman nila ang background ko, na wala silang mahihita sa akin, they'll just rejected the proposal.

As if naman papayag ako sa fixed marriage, ano. No way! Magpapakasal lang ako sa taong mahal ko.

Sobrang init na ng paligid sa isang club na pinasukan ko. Napapagod na akong sumayaw at nahihilo na rin ako   sa mga nainom kong alak.

At dahil naingayan na rin ako sa party music at sigawan ng mga customer, naisipan ko na lang lumabas. Naglakad-lakad ako at nakita ang isang bar. I've been there too a few times. Chill lang doon kaya naisipan kong pumunta.

God I am so thirsty!

Pagkapasok ko ay pumapailanlang sa ere ang kanta ni Taylor Swift na Lover. Napangiti ako dahil isa iyon sa paborito kong kanta niya sa bagong release niyang album.

Iginala ko ang aking paningin at nakita ang isang lalaki na nagsasalin ng alak. Napangisi ako at kaagad na lumapit sa kanya. Without a second thought, I grabbed his glass and drink it.

"Sorry about that. I was so thirsty that I immediately grabbed your drinks," sabi ko at napahawak sa aking lalamunan.

He's looking at me na para bang kilala niya ako. Umupo ako sa harap ng puwesto niya. May sinasabi pa ako subalit wala lang siyang respond. He looks in awe. Na parang nakakita ng multo na maganda at sexy.

Natawa ako nang maalala na naka-wig nga pala ako. Maybe that thing shocked him? Tinanggal ko iyon at pinakita sa kanya ang tunay kong buhok.

Wala pa rin siyang imik. Deadma lang talaga ako? He should be lucky. Nakaka-disappoint naman ang lalaking 'to. Pogi nga at mukhang yummy subalit tameme naman.

"Anyway, I'm Barbara. And thanks for the shot, " nakangiti kong sabi at kinindatan pa siya.

Ang boring naman ng lalaking ito. Makaalis na nga. Tumayo na ako at walang lingon-likod na lumabas ng bar.

Nanlaki ang aking mga mata nang may namataang puting sasakyan sa di-kalayuan.

Nahihilo man ay pinilit ko pa ring tumakbo. Itinago ko ang aking sarili sa mga tao habang naghahanap ng daan para makatakas sa mga puppet ng pamilya ko.

Pumasok ako sa banyo ng isang bar. Pawis na pawis ako sa kakatakbo. Ilang sandali pa ay tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng aking tight jeans. Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ang text ni mommy.

Mommy:
Stop hiding anymore. Nandiyan na ang sundo mo. Umuwi ka na at may ipapagawa ako sayo. It's something you can't reject. You will like it. So go home and stop stressing yourself making names in every people you meet there.

Napalabi ako. Ano naman kaya itong ipapagawa niya na magugustuhan ko? I doubt it! And excuse me, hindi ako na-ii-stress sa paggawa ng pangalan ko no. Ang saya kaya. May listahan na ako ng pangalan dito sa palad ko.

Tiningan ko ang nilista ko kanina.

Guinevere

Lesley

Miya

Irithel

Layla

Barbara

Napangiwi ako. May Vexana at Nana pa. Guess I'll just save these on a later dates. Sa ngayon uuwi na muna ako.



Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon