Kabanata 6

3.2K 135 8
                                    

Baa Baa Black

Ali's POV

Ang iingay na naman ng mga kaklase ko. Palagi na lang talaga eh no? Ganyan sila. Ay mali. Kami pala. Siyempre maingay din naman ako eh. Kapag nasa mood. Haha. Makulit talaga ako naturally saka medyo tanga. Kita naman sa pinanggagawa ko di ba? Kung hindi lang naman kasi ako tanga at kalahati, eh di sana hindi pumasok sa isip ko na magkunwaring may boyfriend na. Ayaw ko lang kasi na palagi nila akong inaasar at tinutukso. Dahil sa aming mga babaeng magka-klase, ako na lang that time ang single. Hindi naman kasi obvious ang kalandian ng mga babae kong kaklase di ba?

"Anong iniisip mo?"

Nagulat ako nang tinapik ako sa balikat ni Faye. Ay sorry. Hindi malandi ang bestfriend ko ano. Binabawi ko na nga ang sinabi ko kanina. Hehe. Hmm, maaga lang siguro silang binisita ni pagmamahal na 'yan. Samantalang ako, bokya pa rin.

"Ah, eh, wala naman. Pinoproblema ko pa rin kasi ang Physics problem natin."

"Bakit mo pa pinoproblema yun eh kung pwede ka namang magpa-tutor sa nobyo mo?" nakangisi niyang sabi sa akin at umupo na sa tabi ko.

"Eh?"

"You heard me. Di ba special class si Mr. Z mo? Kaya magpaturo ka sa kanya."

"Bes naman eh. Alam mo namang hindi pwede," mahina kong sabi sa kanya.

"Bakit naman hindi?"

"Eh kasi..."

Pinagtaasan niya ako ng kanang kilay. Inis ko namang sinara ang libro ng Physics saka nangalumbaba.

"Basta. Hindi pwede."

"Basta? Tinatamad mag-explain bes?" pangungulit niya sa akin.

"Hindi naman sa tinatamad. Wala lang talaga akong ma-explain sayo. Magkaiba 'yon," napabuntong-hininga kong sabi sa kanya.

"Pero maiba nga tayo."

"Anong iibahin natin?" biro ko sa kanya.

"Tse! Bakit parang super distansiya naman yata ni Zairone sa ibang tao. I mean, kahit sa mga kaklase niya. Hindi siya lumalapit. He never played basketball."

Iyon nga rin ang iniisip ko eh. Naalala ko yung first encounter namin. Takot na takot siya nang hawakan ko siya sa kamay. Bakit kaya siya ganun? Hindi naman siya siguro masyadong maarte hindi ba? Or baka naman masyado lang siyang malinis sa katawan kaya ayaw niyang may humahawak sa kanya. Pero over naman yun ha. Ayaw talagang magpahawak? Pwede naman siyang maligo ng alcohol after eh. Hmp.

"Hey, still there?" untag niya sa akin.

"Nag-iisip pa ako eh."

"Pero hindi nga, baka naman bakla si Zairone?" napalakas niyang sabi na hindi nakalagpas sa pandinig ng mga kaklase ko.

Kaagad ko naman siyang pinandilatan sa sinabi niya.

"What? Ali! Tama ba ang narinig namin sa sinabi ni Faye? Bakla ang boyfie mo?" maarteng tanong ni Carol.

"Hindi ah! Lalaking-lalaki kaya yung boyfriend ko!"

"Eh bakit hindi namin kayo nakikitang magkasamang umuwi or magka-holding hands man lang?" pang-uusig nila sa akin.

Diyos ko Lord. Andaming tanong ng mga paniking ito. Humanda ka talaga Faye sakin mamaya. Ang dulas dulas ng dila eh.

[<>]

Break time. Hinahanap ko si Zairone. Kailangan naming mag-usap. Hindi na kasi napigilan ang tsismis eh. Bakla raw si Zairone ko. Naku po naman. Disaster itu. Kailangan ko na siyang pagsabihan para hindi siya magulat or magalit sa akin.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon