Buong araw akong umiyak nang malaman kong iiwan na ako ng nag-iisang kaibigan ko- si Sky. Doon na raw sila maninirahan sa America.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala siya. Wala na akong ibang pwedeng kausapin tungkol sa sarili ko. Maliban sa pamilya ko, siya lang ang nakakaintindi sa akin. Siya lang ang nag-iisang tao na kaya akong protektahan sa mga nambu-bully sa akin.
"Oy. Pansinin mo na ako. Akala ko ba mag-bestfriend tayo?" tanong niya sa akin.
Nilingon ko siya at inirapan. "Kung mag-bestfriend tayo, bakit mo ako iiwan?" parang gusto ko na namang umiyak.
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.
"Uuwi rin naman kami rito."
"Kelan?"
Matagal siyang hindi nakasagot. Inis kong tinanggal ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Humarap ako sa kanya. Kitang-kita ko rin ang pagkakalungkot niya.
Naiintindihan ko naman na kailangan nilang umalis dahil doon din nagta-trabaho ang mga magulang niya. At gustuhin man niyang manatili rito ay hindi maaari.
Pero gusto ko lang magmaktol. Dahil nalulungkot pa rin talaga ako. Kaming dalawa na ang magkasama simula kinder pa lang hanggang ngayong graduate na kami ng elementary. Akala ko sabay pa rin kaming papasok sa high school.
"Basta kapag may pagkakataon, uuwi ako rito. At ikaw ang una't una kong pupuntahan," pang-aalo niya sa akin.
"Promise?" paninigurado ko.
"Promise!" sabi niya at tinaas pa ang kanang kamay. "Pero promise mo rin na kapag nakita kita ulit, hindi ka na dapat nagpapa-bully sa iba ha?" dugtong niya.
Saglit akong natigilan. Pero kalaunan ay ngumiti akong tumango sa kanya.
"Promise..."sagot ko.
***
Ang mahinang pagtatalo nina Faye at Troy ang nagpagising sa akin. Napangiwi ako nang maramdaman ang pagkirot ng mga kaunting galos sa braso ko at maging ang anit ng aking buhok.Napabuntong-hininga ako nang ma-realize na nasa school clinic na naman ako.
Kaagad silang lumapit sa akin nang makitang gising na ako. Maluha-luha si Faye na hinawakan ang kanang kamay ko habang si Troy naman ay bakas ang galit sa mukha.
"Ali, kamusta ang pakiramdam mo?" nanginig ang kanyang boses. "Sorry at wala kami ni Troy kanina. Hindi sana nangyari sa'yo ito ngayon," sabi niya at saka umiyak.
"Okay lang ako. Wala naman kayong kasalanan," sagot ko.
Tumingin ako kay Troy na hanggang ngayon ay mukhang galit pa rin. Lumapit siya kay Faye at may binulong. Nagkatinginan sila na parang silang dalawa lang nagkakaintindihan. Kumirot ang puso ko nang maalala sa kanila sina Zeyzey at Alisa. Ganong-ganon din sila.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Troy sa amin. Nang makaalis na ito ay saka ako bumaling kay Faye.
"Galit ba si Troy?" usisa ko sa kanya.
"Medyo," sagot niya.
"Bakit?"
Malalim siyang napabuntong-hininga. Tumayo siya at simpleng sumilip sa bintana bago muling tumingin sa akin.
"Galit iyon kay Zairone," sagot niya.
Napaupo ako nang tuwid sa higaan. Tiningnan ko lang si Faye at naghihintay na baka may idugtong pa siya.
"Wala pa rin kasi sa school si Zairone. Pati na rin si Alisa. Kaya mas lalong kumalat ang tsismis at mas lalong marami na ang nag-iisip na baka sila na nga. Kahit ako naiinis din na karamihan sa kanila masaya kung totoo nga iyon," himutok niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/33556883-288-k490039.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
أدب المراهقينAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...