Eat
HANGGANG sa pag-uwi ko ng bahay ay hindi matanggal-tangga ang ngiti sa aking labi. Hindi ko pa rin binibitawan sa mahigpit na pagkakahawak ang keychain na bigay ni Zairone.
I don't expect it. Alam kong para sa kanya ay maliit na bagay lang ito. But not for me. Pakiramdam ko ay diploma na ang hawak ko ngayon. Para sa akin kasi, walang pagkakaiba kung mahal man o hindi ang natanggap mo mula sa isang tao.
Ang mahalaga, bigay niya ito sa'yo. It's the thought that counts, after all. I'm not sure kung anong iniisip niya habang pumipili ng keychain na ibibigay sa akin.
"Anong meron?"
Nagulat ako nang biglang rumehistro ang mukha ni ate sa harapan ko. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad papuntang kusina. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni ate.
"Hoy, Ali. Inlove ka na ba? Sino? Gwapo ba?" sunod-sunod niyang tanong.
Natawa na lang ako saka siya hinarap. "Hindi po."
"Eh bakit kung makangiti ka parang naabot mo na ang langit?" nakakunot noo niyang tanong.
"Ate, OA!" natatawang bulalas ko.
"Eh ano nga? Ano ito? Taguan na lang ngayon?" kunwari ay nagtatampo niyang saad.
Ganyan siya. Minsan umaandar din ang pagiging isip-bata.
"Kasi nga po iyong kaibigan kong masyadong aloof sa tao, unti-unti nang nagbabago. Saka, binigyan niya pa ako nito!" masaya kong sabi saka iwinagayway sa mukha niya ang keychain.
Napokus doon ang tingin niya. Bawat galaw ng keychain ay sinusundan ng tingin niya. Parang nahihipnotismo ang kanyang mukha.
"Inaantok ako, Ali," saad niya.
"Ha?" taka kong tanong.
"Itigil mo ang paggalaw niyan. Nahihilo ako, " maarte niyang sabi.
Napalabi ako saka pinasok sa bulsa ng pajama ko ang keychain.
"Sinong kaibigan iyan? Hmmm?" nagdududa niyang tanong.
"Si Zairone po," sabi ko.
Wala namang masama kung sasabihin ko sa kanya ang pangalan ni Zeyzey di ba? Ang ayaw ko lang talagang ipaalam sa kanila ay ang pagsisinungaling na ginawa ko.
"Zairone?" nakakunot ang noo niyang ulit ng pangalan nito.
"Opo. Bakit?"
"Pakiramdam ko ay narinig ko na ang pangalan na 'yan, " sabi niya habang nag-iisip ng pangalan.
" Ate naman. Huwag mong sabihing naging ex mo' yan. Child abuse ka, " biro ko.
Inirapan niya ako."Tange! Hindi ano. Duh! Akyat muna ako sa kwarto," sabi niya at tinalikuran ako.
Nang ako na lang mag-isa sa kusina ay muli akong napangiti. Dahil dito ay mas sisikapin kong tulungan ka Zeyzey. Gusto kong isampal sa mukha ng Alisa na 'yon kung gaano ka kahalaga.
Z's POV
Napabuntong-hininga ako nang hindi tumitigil ang pagkatok sa pintuan ng room ko. She's really persistent, huh.
"Kuyaaaa! Open the door!" tili ni Patty sa labas.
Ginulo ko ang aking buhok at tinungo ang pinto para pagbuksan siya. Knowing her, she won't stop until she gets what she wants.
"What?" tanong ko sa kanya na bahagyang naiinis.
Iwinagayway niya ang kanyang tablet sa mukha ko. Nakangisi siya. Napakunot noo naman ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...