Ali's POV
Iniwan ko na lang ang trophy sa damuhan at dahan-dahang naglakad palayo. Naramdaman kong may sumusunod sa akin. Gabi na at kailangan ko nang makauwi.
Medyo abala na rin kasi si Mama sa pag-i-impake ng mga dadalhin namin pauwi sa Iloilo. Kailangan niya nang makakatulong. Pero bago pa ako makaabot sa gate ay may humawak na sa palapulsuhan ko.
Gulat akong lumingon at tumambad sa akin ang hinihingal subalit nakangising si Keith.
"Dinner?" sabi niya.
Aayaw na sana ako pero biglang napatingin ako sa likuran. Magkasama sina Zeyzey at Alisa habang nakangiting naglalakad papunta rito.
Bago pa mapadpad ang tingin nila sa amin ay hinila ko na si Keith palabas. Pinipilit pa niyang lumingon sa kung saan ako nakatingin kanina.
"Hindi ko inakala na may tinatago ka palang lakas mula sa maliit mong katawan, AMC," natatawa niyang sabi kaya inirapan ko siya.
"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanya.
Gusto ko na sanang umuwi pero nang makita ko sina Zeyzey ay biglang nagbago ang isip ko. Bukas na lang ako tutulong kay Mama.
"Saan mo ba gusto?" tanong niya.
"Kahit saan," maiksing sagot ko habang palinga-linga sa paligid.
"Kahit saan?" naguguluhan niyang tanong.
Mahina akong tumango. Hindi pa kami masyado nakakalayo sa school. Baka maabutan na nila kami rito sa labas!
Lumingon ako kay Keith na nakakunot ang noo habang may kinakalikot sa phone niya.
"Hindi pa ba tayo aalis?"
Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang phone niya. He put his index finger on his lips kaya natahimik ako. Bahagya siyang dumistansiya sa akin bago niya sinagot ang tawag mula siguro sa isa sa mga babae niya.
May dumaang isang grupo ng mga kalalakihan at napatingin sa akin ng malagkit. Napakagat ako ng ibabang labi. Hindi pa nga pala ako nakapagpalit. Nasa kay Faye pa ang gamit ko pati ang phone.
Ilang sandali pa ay lumapit sila sa akin. Bahagya akong napaatras.
"Hi, miss. Sorbetes ka ba? Ang sarap mo kasing dilaan eh," sabi ng patpating lalaki sabay dila ng kanyang labi.
Nanlaki ang aking mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil apat sila at wala akong kalaban-laban. Maliit pa ako!
"Ano miss? Pwede ba?" ulit nito at nagtawanan silang apat.
"Gago ka ba?"biglang sulpot ni Keith kaya nagmamadali akong nagtago sa likuran niya.
Nanginginig ang aking mga kamay habang nakahawak sa kanyang tuxedo.
"Bakit kaya mo ba kami?" naghahamong sabi ng nambastos sa akin.
"Kilala mo ba ako?" ganti ni Keith.
Nagkatinginan ang apat bago sila sabay na tumingin sa kanya.
"Sino ka ba?" sabay-sabay na tanong nila.
Ipinilig ni Keith ang ulo niya bago tinanggal ang tuxedo niya at pinasuot iyon sa akin. Muli niyang hinarap ang apat.
"Ako si Keith Raymundo. Anak ni Dr. Bhon Nazel Raymundo- ang may-ari ng pinakamalaking hospital sa buong Pilipinas," nagmamalaki niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko. Alam kong Raymundo siya pero hindi ko inakala na tatay niya ang pinaka-sikat na surgeon sa bansa. Nababasa ko lang siya sa mga newspaper eh. Sinong mag-aakala na anak niya itong butiking kasama ko?
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Novela JuvenilAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...