Kabanata 18

2.3K 122 22
                                    

Drama Club

Hindi na ako nagulat nang magpakitang muli kinaumagahan si Keith sa akin. 

"Hi!" masaya niyang bati.

"What?" hindi ko mapigilan ang magsungit.

Naalala ko naman kasi ang kahapon. Nasaktan nila si Zairone.

"You still remember our conversation yesterday?"nakaangat pa ng bahagya ang kanang kilay niya. 

"You know what? Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang gano'ng tsismis.  Wala kang pruweba. Okay? Kaya hindi mo ako matatakot sa bagay na iyan.. Sasali ako sa Drama Club hindi dahil diyan kundi dahil iyon talaga ang gusto ko. Now if you'll excuse me?" mataray kong sabi. 

Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.  Nang makabawi ay ngumisi siya sa akin saka tumabi at sinenyas pa ang dadaanan ko. Inirapan ko muna siya bago ako nag-martsa palayo.

Malayo pa man sa classroom ay dinig ko na ang ingay na nanggagaling doon.  Everyone's excited about the club selection. Isa rin kasi itong paraan para makihalubilo sa ibang estudyante especially sa mga lower years.  And there's also a club party. Para siyang Acquaintance party iyon nga lang ay dapat ang makakasama mo ay mga co-members mo. Each club ay may gagawing presentation. At kung sino ang mananalo ay bibigyan ng prize ng principal. 

Last year,  ang English Club ang nanalo sa presentation. At ang premyo nila ay trip to Palawan.  Lahat ng members nila kasama. Sobrang nagsisi ako no'n kasi nag-quit ako. 

Pero nagdiwang din naman ako dahil ang schedule ng trip na iyon ay tumama sa Final Exam ng First Year saka Third Year. Mautak talaga ang principal namin! Kaya ang ending, konti lang ang sumama. 

"Anong club ka? This time hindi na talaga pwedeng mag-quit," paunang bungad sa akin ni Carol. 

Napailing ako.  "Kaya nga eh.  Sana ay makuntento na ako sa club ko."

"Ano bang pipiliin mo?" tanong niya ulit.

Kinawayan ako ni Faye kaya doon ako dumiretso sa bakanteng upuan katabi niya. Nilapag ko muna ang bag ko bago hinarap si Carol. 

"Hmmm,  Drama Club."

Nanlaki ang aking mga mata.  "Drama Club?"

"Oo."

Napangiwi siya. "Lahat na lang ng halos kababaihan sa Drama Club na gustong sumali.  Palibhasa,  alam nilang si Keith ang napipisil na kuning presidente roon."

I rolled my eyes."Hindi naman siya ang dahilan kung bakit doon ako magpapa-member eh."

Umaliwalas ang mukha niya.  "I know right.  Di hamak na mas gwapo at malakas naman ang sex appeal ni Zairone kesa kay Keith ano.  Kaya isang malaking katangahan na talaga kung pakakawalan mo pa siya, Ali."

Sobrang tanga nga niya dahil iniwan niya si Zairone.  Tsss. 

"Pero kung may balak kang iwan siya,  matutuwa ako.  Dahil may chance na ako sa kanya. Omg! Kinikilig talaga ako sa tuwing aksidenteng magkakatinginan kami.  Anong meron sa mga mata niya na hindi ko makikita sa mga mata ng boyfriend ko?"

"Alam ko," singit ni Faye. 

"Ano?"

"Maharot ka."

Inismidan nito si Faye na malakas na tumawa. Binigyan ko naman siya nang nang-aasar na tingin. 

"Ang sama niyo sa akin. Huhu. Hindi namang masama ang humanga sa isang tao ah, " depensa nito.

"Eh ikaw parang may balak ka na.. Naku,  Carol.  Isusumbong talaga kita sa boyfriend mo,"  pananakot pa sa kanya ni Faye. 

Ngumuso ito na parang bata.  "I hate you,  Faye! Pasalamat ka at mahal ka niyang katabi mo!" tukoy nito kay Troy na nakapangalumbaba habang nakangiting nakatingin kay Faye. 

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon