Kabanata 7

2.9K 132 13
                                    

Strange Feeling

Ali's POV

Pasalampak akong umupo sa sofa namin. Napa-aray ako kasi nakalimutan kong gawa pala sa kahoy ang sofa namin. Nakakainis. Ang sakit tuloy ng puwet ko. Binuksan ko ang school bag ko at kinuha ang isang keychain na binili ko kasama si Faye sa isang shop. Hugis sapatos ito na may itim na shoelace. Napangiti ako. Black kasi ang paboritong kulay ni Zairone. Ewan ko nga ba at sa napakaraming kulay, iyon pa ang paborito niya. Hindi naman siya mukhang emo. O di ka ya punk.

Kailan ko kaya ibibigay 'to sa kanya? Tatanggapin niya kaya ito? Ah, bahala na. Sabi nga ni Faye, it's the thought that counts naman di ba? Kung ayaw niya, eh di huwag. Ibibigay ko na lang 'to kay Narding. Iyong school janitor namin na may crush sa akin since first year. Ewan ko nga ba at sa akin nagkagusto 'yon eh hindi naman ako sobrang maganda. Maganda lang. Hahaha.

"O andito na pala si Ali eh."

Napalingon ako ng wala sa oras at nakita ko si Papa sa kanyang wheelchair. Oo, baldado na si papa. Mayroon kasing aksidenteng nangyari 12 years ago. Ibig sabihin four years old pa lang ako noon nang maaksidente sa sasakyan si papa.

Hindi na dinetalye nina Mama at Papa ang pagkukwento nila sa aming magkakapatid dahil nangyari na rin daw ang nangyari. Kaya hayaan na daw namin ang past at magmuhay na sa present. O diba?

"Mano po Papa."

"Kaawaan ka ng Diyos anak. Ba't ngayon ka lang?"

"Nilakad ko lang po kasi Pa mula school papunta dito."

Actually, mga 2 kilometers lang naman kasi ang layo ng school sa bahay. Nagji-jeep lang ako kung...

A. Mali-late na ako.

B. Tinatamad akong maglakad.

And...

C. Kung marami akong pera!

"Pinunasan mo ba 'yang likod mo? Baka magka-pulmonya ka niyan," nag-aalala niyang sabi.

"Opo Pa. Huwag na po kayong mag-alala," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ba't ngayon ka lang? Ba't pawis na pawis ka?" tanong naman ni Mama.

"Nilakad niya lang kasi mula sa school nila papunta dito," kwento ni Papa sa kanya.

"Oh eh ano ngayon? Magpalit ka na nga. Ang baho-baho mo na. Mahihirapan na naman ako sa paglalaba ng damit mo na 'yan dahil sa natuyong pawis!"

Si Mama? Opposite siya ni Papa. Wala eh. Opposite attracts daw talaga. Kaya ayun. Naging sila at nandito kami ng ate at kuya ko. Haha. Nilapitan ko si Mama saka niyakap nang mahigpit.

"Happy Mother's Day po Ma! Ikaw talaga ang pinakamaganda at pinaka na the best pang nanay sa buong galaxy!"

"Eh!! Huwag ka ngang yumakap sa akin. Ang baho mo ng pawis eh," nag-iinarte niyang sabi.

"Asus! Natuwa kayo sa sinabi ko ano? Aminin!" natatawa kong sabi sa kanya.

"Magpapalit ka na ba ng damit o gusto mong mapingot ha?"

Nagmamadali naman akong kumalas sa yakap sa kanya saka nilabian siya. Nginitian ko si Papa saka dumiretso na ng kwarto para magbihis.

After kong magpalit ay lumabas na ako ng silid at nadatnan ko si kuya Charlie na nanonood ng tv sa sala. Naka-graduate na si kuya sa college sa kurso niyang IT. Ngayon ay nagta-trabaho na siya sa isang kompanya bilang computer technician. Siya na ang tumatayong bread winner ng pamilya namin. Naaawa na nga ako minsan kay kuya eh. 28 years old na siya, right age na para mag-asawa. Subalit isinantabi niya muna iyon para lang mapagtapos kami ng ate sa pag-aaral. Nakangiti akong lumapit sa kanya. Sa likuran niya banda. Minamasahe ko kasi siya palagi para naman mawala ang pagod niya kahit papano.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon