Kabanata 4

3.1K 134 5
                                    

Z Stands For

Ali's POV

Halos mabingi na ako sa kantiyawan ng mga kaklase ko sa amin ni Mr. Z. The Notebook couple daw kami. Paano ba naman kasi, they found it cute daw yung ginawa naming conversation ni Mr. Z kahapon sa gym. Cute ba talaga kaming tignan? Omg. Parang biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko sa isiping iyon.

"Ano ba kasing pinag-usapan niyo kahapon?" pangungulit sa akin ni Faye. Wala ngayon si Troy dahil may lagnat ito. Wawa naman.

"Hindi pa rin siya pumayag as usual." Sagot ko. Kinuha ko ang notebook na pinagsulatan namin kahapon. Tiningnan ko ang penmanship ni Mr. Z. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ang astig lang kasi ng penmanship niya. Parang ang gwapo lang.

"O ngumingiti ka na naman d'yang mag-isa," saway sa akin ni Faye.

"Nako-kyotan lang kasi ako sa sulat-kamay ni Mr. Z eh," sagot ko at pinakita sa kanya ang sulat nito.

"In fairness, mas maganda sulat-kamay niya kesa kay sweetypie ko," sang-ayon niya.

"Naman! Si Mr. Z 'yan eh," pagbibida ko.

"Alam mo, Mr. Z ka ng Mr. Z d'yan eh. Hanggang ngayon ba ay hindi mo alam full name niya? Pano na lang kung tanungin ka nila? Anong isasagot mo ha?"

And so I thought. Honestly, ngayon ko lang narealize yun. Hahaha. Ano nga ba talaga full name nun? Hmm. Iyon dapat ang next mission ko. Kilalanin ang full name ni Mr. Z.

***

Z's POV

Hindi na sana ako papasok ngayong araw dahil hindi ko matiyempuhan si Ali. I mean si Alisa. From now on, I refrain to call her Ali. Dahil mas unang pumapasok sa isip ko ang imahe ng unpredictable na babaeng iyon na Ali din daw ang pangalan. Nakukulitan na nga ako sa babaeng iyon. So persistent.

Okay going back to Alisa. I saw her kahapon kasama ang mga kaibigan niya. Lalapitan ko na sana siya pero mas lalong dumami ang nakisali sa paglalakad kasama siya. Most of them are boys. Hindi ko naman masisisi si Alisa kung marami ang nagkakagusto sa kanyang lalaki. Coz she's very beautiful and attractive at the same time. So I choose to watch her in a distance. Bukas ko na lang siya lalapitan kapag mag-isa na lang siya.

And it's about time. Nakita ko siyang naglalakad sa alleyway nang mag-isa. Nilapitan ko siya at tinawag.

"Alisa!"

She looked back and she's surprised. Ngumiti ako sa kanya.

"So it's really you," sabi niya. She never sounded happy but depressed.

"I came here for you," sagot ko.

"Akala ko ba malinaw na sa atin ang lahat Zai. We ended it already. I'm moving on with my life. Sana ikaw din."

"What if kaya ko nang gawin ang mga bagay na hindi ko magawa noon?"

"Hindi mo kaya. At hindi mo kakayanin. I know you Zai."

"Pero pano nga kung magagawa ko na yun? Will you still give me a chance?"

Saglit siyang nag-isip kapagka ay napabuntong-hininga.

"Let's stop it Zai, okay?" Iyon lang at umalis na siya.

Muntik ko nang masuntok ang pader. Bakit ba kasi nangyayari sa akin ito? Bakit ganitong phobia pa ang lumapit sa akin? Damn!

***

Ali's POV

Buong umaga ko yatang hinanap si Mr. Z subalit hindi ko siya mahagilap. Saang kanto kaya yun ng school tumambay? Ang lalaking iyon, kapag hinahanap hindi nagpapakita. Nagpapakita naman kung hindi hinahanap. Okay fine. Hindi ko na nga lang siya hahanapin. Bahala siya sa buhay niya. Hmp. Uupo na lang ako dito sa mahabang bench at magbabasa ng libro. As if may papasok naman sa kokote ko. Hahaha.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon