Mga ilang minuto pa siguro bago ako nagpasyang tumuloy na sa covered gym namin. Masaya ako dahil sa sinabi ni Zeyzey. Sumali siya sa Drama Club because of me. Oh di ba? Ibig sabihin, friends na talaga kaming dalawa.
Nang makapasok ako ay iginala ko ang aking paningin. Halos mapuno na ang gym sa dami ng mga estudyante. The students were grouped according to the clubs na sinalihan nila. Agad kong hinanap ang Drama Club. Hindi naman ako nahirapan dahil as usual, ang club na ito ang maraming members.
Pagkalapit ko ay nakita ko agad si Alisa na nasa tabi ni Keith. When he saw me, he immediately smirked. Tss. I ignored him. May mga pumapansin sa akin na nasa lower years. I remembered some of their faces. Ilan sa mga ito ay ang mga sinisita ko noong nakaraan na nakabuntot kay Zairone.
Buti naman at hindi sumasama ang loob nila sa paninita ko. Kung makasita naman kasi ako daig ko pa ang tunay at dakilang girlfriend ni Zairone. Eh fake lang naman ako. Haha. Napailing na lang ako. Paano kung malaman ng mga ito ang totoo? Emerged! Baka pagbabatuhin ako ng mga 'to ng itlog at sasabuyan ng harina.
Ang ganap ay mag-aala Geum Jan Di ang peg ko. Ibu-bully nila. Pero after no'n ay may sasagip sa akin. Ang knight and shining armor ko. Bubuhatin niya ako at ipagtatanggol sa mga umaapi sa akin. Kinilig ako ng slight sa naiisip ko.
"Ayy!" tili nila.
Napadaing ako sa sakit dahil hindi nabangga ko ang isang monobloc chair. Oh my gosh! Nakakahiya. Ang daming nakakita. Huhuhu.
Bakit ba kasi bigla-bigla na lang kung saniban ako ng aking imagination. Napapahiya tuloy ako. Hay.
Sa pinakadulo ng mga upuan ay natanaw ko si Zairone. Nakaupo siya roon habang naka-crossed arms at nakatingin sa akin. Pailing-iling lang siya.
Nginisihan ko na lang siya at nagmamadaling tumungo sa kanyang direksiyon. Ang row na iyon ay bakante pa. Sa pinakadulo siya at ang mga bakanteng upuan ay nasa right side niya.
"Hi friend!" masigla kong bati sa kanya.
"Tss," sabi niya lang at tumingin na sa stage.
Suplado. Ikinakahiya niya siguro ako ngayon. Imagine, ang isang hinahabol na gwapong lalaki ay may echuserang girlfriend kuno na malapit sa disgrasya. Such a disgrace to his face. Haha.
Naglagay ako ng isang bakanteng upuan sa pagitan namin at doon pinaupo ang bag ko.
"Oh magpakabait ka diyan ha? Huwag na huwag mong hahawakan iyan at baka matapon ka sa labas ng wala sa oras," kausap ko sa aking bag.
Napalingon siya sa akin. Nagtataka ang kanyang mukha. Inginuso ko ang aking bag. Na-gets naman niya siguro kaya dinedma na lang ako ulit.
Suplado talaga. Matapos niya akong sabihan ng ganon kanina, ganito na ang trato niya sa akin? Akala ko ba sumali siya because of me? Nabangga ko lang ang upuan, nag-iba na agad siya. At dahil doon ay inirapan ko ang upuan na nasa harap ko.
Ilang sandali pa ay dumami na ang mga estudyante. May isang grupo ng mga kababaihan ang sumugod sa direksiyon namin at nagsipag upo. Mayroong isang babae na walang mauupuan. Napansin niya ang bakanteng upuan sa pagitan namin ni Zairone. Lumapit siya sa amin.
"Excuse me. May nakaupo ba diyan?" malandi niyang tanong at nakatitig lang kay Zairone.
Napatingin sa kanya si Zairone subalit saglit lang iyon. Muli niyang itinutok ang tingin sa stage without answering her. See. Suplado to infinity and beyond. Tss. Kasalanan din naman kasi nitong girl. Andito naman akong alwaysa ready sa Q&A pero mas pinili pang lumandi. Bagay lang sa kanya yan. Ako nga na friend niya ay dinidedma, ito pa kaya?
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Ficção AdolescenteAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...