Untouchable
"Aphenphosmphobia, the fear of being touched and touching someone," sabi ni Troy habang nakatutok ang mga mata sa tablet niya.
Hanggang ngayon Hindi pa rin ako makapaniwala talaga. Papanong nangyari ang gano'n? I mean, may gano'n ba talaga? Grabe naman 'yan.
"Wala bang gamot 'yan?" tanong ko sa kanya.
"It's a very rare case Ali. One in a million I guess. And kahit ako, I can't believe na this damn phobia really exists."
"Paano ba na-acquire ang ganyang phobia?" tanong naman ni Faye.
Kinindatan muna ni Troy si Faye bago tumingin ulit sa tablet niya. Ang landi lang talaga. Haynako.
"Mmm, ang sabi dito, it may be hereditary or from a very traumatic experience that's why nagkakaroon ng ganitong phobia ang isang tao."
Ngayon naiintindihan ko na si Zairone. Why he's so aloof, alone at saka suplado. At mas lalo akong naaawa sa kanya kahit na nga hindi niya kailangan ng awa ko. Boys are boys. They can hide their real feelings just for their ego.
"Ano na bes? Anong plano mo?" tanong sa akin ni Faye.
"Honestly, hindi ko rin alam bes. I know mayaman naman sila Zairone. Kung mayroong medicine para lang mawala ang phobia na 'yan siguro ay matagal na siyang gumaling. Siguro sila pa rin ni Alisa," malungkot kong sagot.
"I feel sorry for him," sabad ni Troy at lumapit kay Faye para yakapin ito sa likod. "Hindi niya mararamdaman ang feeling na nayayakap niya ang taong mahal niya."
Para-paraan talaga ang mokong na ito. Hmp. Pero may point siya. Kung ako ang sa kalagayan ni Zairone, hindi ko rin alam ang gagawin ko. Paano mo nga naman maipaparamdam sa taong mahal mo kung hindi mo man lang siya mahawakan o mayakap di ba?
Tumunog na ang bell tanda na magsisimula na ang afternoon class namin. Hanggang sa pagpasok namin ng room ay wala akong ibang naiisip kundi ang kalagayan ni Zairone.
At sa puntong ito, ewan ko ba pero parang naiinis ako kay Alisa. Kailangan lang naman niyang maging pasensyosa. Hintay-hintay lang. Hindi ba siya magiging masaya kung hindi siya mahahawakan ni Zairone?
Siguro kung ako ang naging totoong girlfriend ni Zairone, maiintindihan ko siya. Tutulungan ko pa siyang ma-overcome ang phobia niya.
"Miss Celeste, are you even listening to my lesson?"
Napaangat ang puwet ko sa upuan sa sobrang gulat. Nagtawanan na naman ang magagaling kong mga kaklase. Bakit ba kasi sa kadami-dami namin rito ako pa ang nakita ni Sir Remedios.
"Y-yes sir."
"Really? So what's our lesson for today?" nakataas ang kanang kilay niyang tanong sa akin.
"Ahm, hindi niyo na po matandaan?"
Tawanan ang mga kaklase ko sa tanong ko. Haaay. Lagot na naman ako nito.
[<>]
Gaya nang inaasahan, isang parusa na na naman ang natanggap ko. Gumawa daw ako ng mga haiku in Tagalog. At ang topic is about love. Any forms of love daw. Really? Ang saya-sayang gumawa ng haiku tungkol sa pag-ibig na wala ka namang inspirasyon. Idol ko na talaga si sir!
"Napagdiskitahan ka na naman ni Sir Remedios ah," natatawang sabi ni Faye habang papunta kami ng auditorium.
May drug symposium kasi kami ngayon. Kaming mga graduating students. Para raw aware kami sa drugs at sa magiging effect nito sa amin kapag sinubukan naming gamitin ito.

BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Novela JuvenilAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...