Kabanata 28

1.9K 108 25
                                    

"Sino 'ka mo ang nagbayad sa excursion mo?" tanong ni Mama sa akin nang maikuwento ko sa kanila na sasama ako.

"Sina Faye at Troy po, Ma," pagsisinungaling ko.

Binilisan ko na ang pagkain sa aking hapunan dahil baka kung saan pa abutin ang mga tanong ni Mama.

"Dahan-dahan lang, anak," sabi ni Papa.

"Okay na po ako. Naalala ko po kasing may tatapusin pa akong assignment," pagdadahilan ko.

Manghang napatingin sa akin si ate. Kinindatan ko lang siya bago ako uminom ng tubig.

"Himala at seryoso ka na sa pag-aaral mo," hindi na nito napigilang magsalita.

"Of course naman, yes ate," masaya kong sagot at mabilis na nilisan ang hapag-kainan.

Kaagad akong dumiretso sa aking kwarto. Kakalapag ko lamang ng phone sa maliit na mesa na malapit sa higaan ko nang tumunog ito.

Unknown Number:
Are you free on weekends?

Napakunot ako ng noo. Wala naman akong gagawin ngayong weekend. Pero ang ipinagtataka ko, kaninong number ito?

Magrereply na sana ako nang maalala kong wala pa nga palang load itong phone ni si Zeyzey. Tumayo ako at binuksan ang drawer. Kinuha ko mula roon ang maliit na alkansiyang baboy.

"Piggy, sorry ha? Kukupit muna ulit ako sayo. Promise, dodoblehin ko ang hulog kapag nakaluwag-luwag ako," kausap ko saka ito hinalikan.

Kumuha ako roon ng 30 pesos para makapag-load. Maingat ko itong binalik sa drawer. Binilang ko pang muli ang barya na kinuha para makasigurado. Magpapa-load na ako.

Pero teka...Smart ba o Globe ang sim card na ito? Hindi talaga ako pamilyar sa touch screen na phone eh. Hindi ko alam kung paano kalikutin ito.

"Paano ba buksan ito?" tanong ko sa sarili habang siNusuri ang phone.

Ang alam ko kasi nasa loob ang sim card malapit sa battery. So kapag tinanggal ko ang cover sa likod, malalaman ko kung ano ang sim card nya tama?

Napabuntong-hininga na lang ako. Ang hina ko talaga sa mga ganito. Balak ko sanang magpatulong kay ate pero hindi nga pala nila na may phone na akong touch screen. Sobrang lawak pa naman ng imagination no'n.

"Hindi ko alam na ganyan ka na pala kaganid na magkaroon ng smart phone kaya pati katawan mo ay binenta mo na rin. Ibalik mo 'yan. Kunin mo ulit ang virginity mo!"

Kaagad kong ipinilig ang aking ulo. Hindi pwede. Hindi nila pwedeng malaman. Muli kong tiningnan ang phone. Paano ba kasi buksan ito? Bakit hindi ko na rin tinanong kay Zeyzey kung ano ang number ng phone na ito?

Minsan talaga Ali hindi ka nag-iisip. Paano na ito? Muli kong binasa ang text. Bakit ba kasi hindi na lang nagpakilala?

Nanlaki ang aking mga mata. Hala. Namatay ang phone! Low battery na ba? Tumayo ako at kinuha ang bag. Pero agad din akong nanlumo nang ma-realize na wala palang kasamang charger ang phone nang pinahiram ito ni Zeyzey sa akin. Earphone lang kasama nito.

Siguro iyon talaga ang plano niya na walang kasamang charger para kung sakaling ma-dead battery na ay ibabalik ko na sa kanya. Ang talino talaga ng taong iyon.

Hindi bale. Napakinggan ko na rin naman lahat ng kanta eh. Ang gaganda ng mga music playlist niya pero wala talaga roon ang swak sa isasayaw namin.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon