Chapter 3

401 44 52
                                    

Chum


RHEILA'S POV


"Kung hindi si Lucas magiging ko boyfriend, 'wag na lang."


Napamaang naman ako ng bahagya sa narinig kong pag-uusap no'ng dalawang babae sa harap ko. Napailing nalang ako sa kanila at tumingin nalang ulit ako sa labas, kumagat na rin ulit ako ng stick-o na hawak ko. Ngunit, pagtingin ko sa labas ay nakita ko 'yung lalaki kanina, 'yung Lucas na 'yon? Nakatingin siya sa akin at nakikita ko sa kaniyang mga mata ang gulat at paghanga. Agad ko namang ninguya ng mabilis ang kinakain ko at mabilis ding umiwas ng tingin.


B-bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?


Sa pagkakataon na 'to, nakita ko na ang kaniyang buong mukha kahit hindi siya masyado malapit sa akin. Matangos ang kaniyang ilong, manipis ang labi, may makapal na kilay at ang pilik mata niya ay may kahabaan. Makinis din yung mukha niya, dinaig na pa 'ata ako.


Alagang Belo yata siya.


Nagpatay malisya na lamang ulit ako at inubos na ang pagkain na kinakain ko. Mayroon pang 20 minutes bago magsimula muli ang klase. Uminom muna ako ng tubig at piniling lumabas ng classroom. Napatingin naman sa akin 'yung iba kong mga classmate at ningitian ko na lamang sila.


Nandito ako sa labas ng aming classroom at tinatanaw ang mga estudyante mula sa baba. May mga nagtatakbuhan, may kumakain, nagtatawanan at mayroon pang nagkekwentuhan. Hindi ko naman napigilan na mapangiti ng may sariwang hangin na dumapo sa aking mukha, ang sarap sa pakiramdam na makalanghap at makaramdam ng sariwang hangin. Mas lalo pa akong napangiti ng may makitang dalawang ibon na malayang nakakalipad.


"Hello."


Naagaw ang atensyon ko ng may magsalita sa likod ko. Agad naman akong tumingin sa kanila at agad na sumagot.


"H-hello," sabi ko sa nahihiyang tono.


"Ah may kasama ka? I mean kaibigan or kakilala? Kasi parang mag-isa ka e," sabi no'ng babaeng kaharap ko ngayon. May salamin siyang suot at ang cute niya, naka braid din 'yung magkabila niyang buhok.


"Oo nga girl, para kang lonely. Ang pretty mo pa naman," sabi naman no'ng isang kasama niya. Hindi ko masabi kung lalaki ba siya or bakla dahil sa pananalita niya.


Pero para siyang bakla...


"Ang ganda mo nga, teka totoo ka ba?" sabi pa ulit no'ng nakasalamin. Bigla naman siyang lumapit sa akin at pinisil ang pisngi ko. Agad naman akong napahawak sa aking pisngi dahil medyo masakit 'yung pisil niya.


"Ay sorry! Pero legit ka pala talaga, totoo ka! Omg!" Tumitiling sabi niya.


Hindi naman agad ako nakapagsalita at tumungo nalang ako ng bahagya sa kanilang dalawa. Dalawa lang sila at nakangiti lang sila sa akin.


Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon