Chapter 53

132 8 175
                                    

Delightful Party


RHEILA'S POV


"W-what? P-pardon?"


Natawa ako ng malala dahil sa itsura ni Lucas ngayon! Para siyang nakakita ng multo at gulat na gulat ang mukha niya!


"Bawal na ulitin, hindi ko na kasalanan kung hindi ka pala nagtutuli." Tumawa siya at napakagat pa sa labi niya na parang pinipigilan ang pag-ngiti niya.


"Ikaw 'yung may birthday pero ako 'yung na-surprise."


"Oh sige, edi babawiin ko na-"


"So, ibig-sabihin no'n, tayo na?" Nakangiting tanong niya at tinaas-taas pa niya 'yong kilay niya.


"Ha?! Sinabi ko lang na gusto rin kita tapos tayo na?! Speed mo naman!" Nahihiya naman siyang tumawa sa akin at nagsalita.


"Nagbabakasakali lang naman."


Umuwi na rin kami at hindi mawala ang ngiti niya sa labi. Pinakita niya pa sa akin 'yung picture namin na nakatalikod kami habang yakap niya ako sa likod at nakatingin kami sa fireworks na may nakalagay na pangalan ko. PInicturan daw kami no'ng staff kasi ang cute raw namin.


Nagdaan na ang ilang araw at malapit na ang pasko. Ngayon ay last day ng class namin at bukas ay Christmas party namin. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga kaklase ko pati na rin ako dahil magbabakasyon na ulit kami!


"We have a party tomorrow and we have an exchange gift worth only 100 pesos. I told you this before, I'm just reminding you guys. See you tomorrow!"


Naghiyawan na naman ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ng adviser namin. Dumaan lang siya sa room namin para paalalahanan kami at nag-end na ang class.


"Hoy! 'Yung mga cleaners 'wag kayong tumakas!" Sigaw ni Christian at naiwan naman ang mga cleaners.


"Hoy, Adie may utang ka pang lima ha! 'Yung sa shoe rugs! Hindi ka pa nagmumulta!" sabi ni Christian sa kaklase ko at nahihiya naman siyang tumango.


Tumulong na rin kami sa paglilinis at inayos ang mga bangko sa gilid ng room. Nang matapos ay lumabas na kami at nagyaya naman sila Lucas na mag-7-Eleven daw muna kami.


"A-attend kayo ng party bukas?" Tanong ni Lance habang nakain kami ng ice cream na libre niya. Tumango naman kaming lahat sa kaniya habang may ice cream pa din na hawak.


Kinabukasan, nagsuot lang ako ng red cropped tank top na may zipper sa gitna at light blue high waisted jeans na pinartneran ko ng white hidden wedge sneakers. Pinatungan ko rin 'yung top na suot ko ng cropped jacket para naman hindi kita masyado 'yung likod at tiyan ko.


"Shet! Ang ganda mo! Natututo ka na ng mga bagay-bagay! Para kang model gagi!" Napatakip pa si Ate sa bibig niya nang makita ako at sabi ko ay ilulugay ko lang ang buhok ko pero pinilit niya na ipitan ako ng Water-fall braid ulit gaya no'ng sa field trip.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon