Chapter 62

131 9 88
                                    

Sanctuary And Sense Of Peace


RHEILA'S POV


"Ano bang papanoorin natin?"


Napatingin si Lucas sa akin dahil sa tanong ko. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan niya at pupunta kami ng grocery store para bumili ng kakainin namin para sa 'movie date' raw namin sa bahay nila. Buti na lang din ay pumayag si Mama at pumayag na rin ako dahil bukas ay aalis na kami para sa Regional Schools Press Conference (RSPC). Baka isang linggo rin kaming hindi mag-usap dahil baka busy ako at maraming ginagawa. Pero syempre, kahit papaano ay gagawa ako ng paraan para makapag-usap kami kahit sandali lang.


"Well, I want to watch Doctor Strange in the Multiverse of Madness. Ikaw ba? May gusto ka bang panoorin?" Tanong niya kaya umiling lang ako.


"Wala naman. Sige 'yong gusto mo na lang panoorin natin." Ngumit siya kaya ngumiti rin ako.


Nalaman ko rin na may una pang movie 'yon kaya nag-kwento siya sa akin at good thing, alam ko 'yon! Kaya ang ending, nagdaldalan kaming dalawa.


"Thanks," sabi ko kay Lucas nang alalayan niya akong bumaba ng sasakyan.


Nakarating na kami sa pupuntahan namin kaya naglakad na kami papasok ng grocery at syempre, nakatingin na naman sa amin 'yong mga tao! Kami na lang din daw 'yung maggo-grocery para sa bahay nila dahil kaonti na lang daw 'yong mga stock nila sa bahay. Um-oo naman ako dahil gusto ko rin naman siyang makasama ng matagal. Bigla naman niyang hinawakan 'yong bewang ko habang naglalakad kami kaya nagulat ako ro'n pero parang wala lang sa kaniya 'yon!


"Hoy, grabe ka! Ang daming tao."


"So what?" mahinahong sabi niya at ngumiti sa akin.


Nang makapasok ay kumuha kami ng tig-isang cart at tinulungan ko na siyang kunin 'yong mga nakalista sa papel na binigay kanina sa kaniya ni Ate Lucy. Paikot-ikot lang kami hanggang sa may makakilala sa kaniya kaya nagpa-picture sila kay Lucas.


"Ako rin po, pa-picture. Idol po kita, e," pabirong sabi ko kaya natawa siya.


"Kahit hindi mo na hilingin, ako pa magkukusa." Napailing na lang ako sa kaniya habang natatawa.


"Oo nga pala, kumusta kayo? 'Yong pagco-cover niyo ng kanta?"


"Well, okay naman. Masaya." Tumango lang ako sa kaniya habang naglalakad kami at tulak-tulak 'yong cart namin.


"Pero bakit hindi kayo natanggap ng endorsement? Sayang kaya."


"It's not our thing, baby. Well maybe not right now? Wala pa sa isip namin 'yon, e." Tumango lang naman ako sa kaniya sabay ngiti.


Siguro, kung tinanggap nila 'yong mga endorsement na 'yon, sobrang kilala na sila. Well, ngayon pa lang naman kilala na sila. 'Tsaka baka ayaw nila kasi may kaya naman sila. Pero 'yon nga, it's not their thing. Maybe soon.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon