First Special Gift
RHEILA'S POV
"Before we conclude our flag ceremony, we'd like to congratulate Ms. Jiemmelyn for winning first place in the Division Schools Press Conference (DSPC) held in San Pedro, Laguna in the category of English, News Writing."
Gulat akong napatingin sa Coach kong nasa stage at nagsasalita ngayon!
Tinawag ba ako?
"Garcia, come here."
Tumayo akong gulat at ang iba ay nagpapalakpakan na. Sila Micka naman ay todo sigaw sa pangalan ko. Ningingitian ko nalang 'yong mga nabati sa akin at kinakawayan sila.
"Whoa! Kaibigan ko 'yan! Mainggit kayo please!" sigaw ni Christian at todo palakpak pa siya!
Hindi ako ready rito! Hindi ko siya ni-expect, huh! Ano namang sasabihin ko sa stage? Thank you? Geez, pwede na siguro 'yon, 'no?
"Say something, nak. A line then a short messages." Ngumiti sa akin ang Coach ko at tumango naman ako. Huminga naman ako ng malalim bago magsalita.
"I'm not good at sending messages, but I wanted to express my gratitude for all of your support, particularly to my Coach who patiently taught and guided me. To our school's principal and my friends. Thank you very much." Ngumiti muna ako ulit bago pinagpatuloy ang pagsasalita.
"Also..." Ngumiti na naman ako dahil nangangapa ako ng sasabihin ko! "I'm not sure how I'll win, all I know is that I'm not going to lose."
"I had no expectations of winning, all I knew was that I would fight and trust in God. I can only express my gratitude to you for greeting me. I'm glad you think highly of me. Thank you very much," sabi ko at tumungo ng bahagya at ngumiti sa kanila.
Bumaba na ako at ang ibang estudyante ay kinakawayan pa ako. Ang iba rin ay sinisigaw ang pangalan ko kahit mali naman! Wala akong ibang ginawa kung 'di ngitian sila at kawayan.
"Christian! Nako! Ang daming pogi roon aba! Busog na busog mata ko!" Kwento ni Micka habang nagkakalad kami papuntang room.
"Ah talaga? Bakit hindi mo pinicturan?! O kaya bakit hindi mo tinanong ang pangalan?"
"Aba! Nasa stage na no'ng makarating kami ni Jie eh!"
"Wala 'to, mahina," sabi ni Christian at tinalikuran na si Micka.
Normal days lang ngayon. Nag-discuss 'yong mga guro namin at nagbigay ng mga assignments. HIndi naman na big deal sa akin ang maraming assignments dahil sanay na 'ko ron. Hindi na rin ako nagrereklamo dahil gagawin ko rin naman. Sayang lang oras kung magrereklamo ako.
"Natapos din, nakakaantok mag-turo si tanda," sabi ni Christian nang makaalis na ang guro namin sa ESP, last subject namin siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...