Thank You
RHEILA'S POV
"Good morning!"
Nasapo ko na lang ang noo dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon! Araw ng Linggo ngayon at nakabihis na kami dahil magsisimba kami nila Mama kasama si Ate. Sila Kuya naman ay mamayang hapon nalang daw dahil may importante silang gagawin.
"Anong g-ginagawa mo rito?!" gulat na tanong ko habang nagtataka at nagawa niya pang ngumiti sa akin! Gulat ako dahil hindi ko alam na pupunta siya at gulat din ako dahil hindi ko inakala na siya ang bubungad sa akin pagkabukas ko ng pinto!
"Manliligaw?" patanong niyang sagot at binigay sa akin 'yung bulaklak niyang hawak niya kanina pa. Tinanggap ko naman 'yun at nagulat nalang ako dahil binigyan niya rin ng bulaklak si Ate at Mama!
"Hoy! Ang aga ng pa-bulaklak mo ah!"
"Well, this is only my first way of courtship." Nagkibit-balikat pa siya.
"Alam ko na nililigawan mo na ako, pero ang aga pa ah?"
"Dapat ba may oras?" Balik na tanong niya sa akin.
"Hindi naman, hindi lang ako sanay." Napangiwi siya sa sagot ko at nagsalita.
"Actually, aayain sana kitang magsimba ngayon." Napatingin naman ako ng diretso sa kaniya at paulit-ulit kumurap.
"H-ha? Magsimba?"
"Yeah, but I guess magsisimba rin kayo?" Pinasadahan niya ng tingin ang aming suot at tumango lang ako ng bahagya. Nakasuot lang ako ngayon ng royal blue dress at white sandals. Naglagay rin ako ng royal blue na hair clip sa tabi ng buhok kong nakalugay.
"Oo, hijo magsisimba rin kami. Kung gusto mo sumabay ka na rin sa amin?" tanong naman ni Mama at bigla namang umaliwalas ang mukha ni Lucas.
"Sure po, Tita Mama! Thank you!"
"Sus! Iba pala manligaw ang isang Lucas! Sana 'wag lumubog 'yung ship ko, jusko!" Natawa na lang ako sa Ate ko habang nagsu-suot siya ng sandals niya.
"By the way, you look stunning in that dress, baby." Bulong ni Lucas sa akin kaya napatingin ako sa kaniya ngunit agad ding inalis dahil naramdaman kong namula ako!
"You're blushing, so cute."
Iniwan ko na siya at lumabas na ako dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung may sasabihin pa siyang iba tungkol sa akin! Hindi pa rin magsink-in sa utak ko na nandito siya at makakasama namin siya magsimba. Pero totoo ba 'yung sinabi niya kanina? Aayain niya sana akong magsimba? Jusko, Lord! Ganito po pala ang pakiramdam ng maligawan? 'Tsaka ewan ko ba! Lagi na lang kong namumula sa sinasabi niya!
May namamatay ba sa kilig?
"Get in," sabi ni Lucas sa akin at inalalayan akong umakyat ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Sweetest Deception
Teen FictionMeet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wealthy; in fact, they are impoverished. Despite their poverty, she continued to study. She is a pretty...