Chapter 40

179 12 39
                                    

Smiling And Making Jokes


RHEILA'S POV


"Ingat kayo!"


Umuwi na rin ang mga kaibigan ko at syempre, matapos kong magpaalam sa kanila ay uuwi na rin kami ni Lucas. Nauuna akong magkalad sa kaniya dahil abala siya sa pagse-cellphone siya. Syempre ako lagi ko siyang tinitingnan dahil baka mauntog siya sa kung saan! Tumunog naman bigla ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan.


Bakit ba laging nagnonotif sa akin 'yung mga stories at posts ni Lucas?


lucasavriel added their story


Bago ko tingnan 'yon ay tumingin muna ako kay Lucas at nakita kong nakatingin siya sa akin ngunit iniwas din niya kaagad ang tingin niya at nagpatay malisya.


Forgiven.


'Yan 'yung nakasulat sa may bandang baba at picture ko 'yung nakita ko nang buksan ko 'yung story niya pero nakatalikod ako sa picture.


Liit ko naman sa picture!


Sa bagay, maliit naman talaga ako. Jusko, Jiemmelyn! 'Wag ka nang magtaka! Nakakaloka ka!


"Tiny," sabi ni Lucas at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Sumama naman ang tingin ko sa kaniya ngunit nakatalikod na siya kaya hindi niya nakia 'yong mukah ko.


Bwiset na 'to! Tiny raw?!


Kinabukasan, normal lang na araw. Practice ng News Writing na naman ang ginawa ko at mamayang uwian naman ay susukatan kami ng mga t-shirt namin para sa Journalism.


"Hindi ako pinanganak para umintindi ng mga tanga!" mataray na sabi ni Christian. Nakasalubong na naman kasi namin 'yong kaaway niya at syempre, hindi pwedeng hindi sila mag-away kapag nagkita sila! Kanina ko pa rin sila inaawat na dalawa pero ayaw nilang tumigil!


"Ah talaga? Kaya pala hindi mo maintindihan sarili mo." Nakangising sagot no'ng kaaway niya. Teka, ano nga ulit palangan niya? Hindi ko na matandaan, eh! Kasama niya rin 'yong dalawa niyang kaibigan na nakatingin lang sa amin habang nakataas ang kanilang mga kilay!


"Gago beh, nabara ko ro'n ah." Bulong ni Nath habang tinatago ang tawa. Hinila ko naman si Christian bigla palayo sa kanila dahil baka kung saan pa mapunta ang pag-aaway nila! Sumunod naman sila Micka at Nath sa amin at dumiretso na kami sa aming classroom.


Umattend ako sa dalawa kong klase ngayon dahil mamaya pa naman ako magpa-practice magsulat. Nagsimula na rin ang klase namin at hindi naman ako gaano nahirapan sa topic na ni-lesson ng guro ko dahil medyo pamilyar na 'ko sa topic na nile-lesson niya. Nang matapos ang klase ko ay agad akong dumiretso sa Coach ko at agad niya rin akong binigyan ng topic na siyang sinunod at sinulat ko.


"How's my girl?"


Napatigil ako sa pagsusulat nang marinig ko ang boses ni Lucas sa likod ko! Nandito ako ngayon sa library para walang maingay. Umupo naman siya sa tabi ko at tiningnan niya ang ginagawa ko.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon