Chapter 67

132 7 0
                                    

It's You Again


RHEILA'S POV


"Baka crush mo na 'ko ha, magsabi ka lang."


Napailing at nasapo ko na lang ang noo dahil ito na naman si Micka sa harap ko at nagpaparinig kay Lance. Kumindat pa siya rito sabay taas ng kilay. Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula no'ng nangyari sa akin. Mas tama 'atang sabihin na sa kamay ko.


Habang may sugat nga ang kamay ko, naramdaman kong alagang-alaga at alalang-alala sila sa akin lahat. Si Nath, sinusubuan ako kapag recess na kahit sabi ko ay 'wag na. Si Micka naman ay pinagsusulat ako ng notes sa notebook ko para raw may notes ako tapos pipicturan na lang daw niya 'yung notes ko para siya naman daw 'yung kokopya mamaya. Samantalang si Christian naman ay siya na ang gumagawa ng ginagawa ko. Halimbawa, may aabutin, gugupitin at marami pang iba na ginagawa ng kamay ko ay ginagawa niya na kahit sabihin ko na kaya ko naman. Para silang Mama at kapatid ko kung asikasuhin ako ay wagas!


Grabe!


Si Lucas naman 'yung nag-gagamot sa kamay ko. Pinapaltan niya ng bandage kada recess para hindi raw ma-stock 'yung germs sa iisang bandage lang. Sobrang ingat niya rin na to the point na ayaw niya akong lapitan dapat baka madali niya ako. Si Aaron naman ay taga-dala ng libro ko. Inaabangan niya pa kami sa gate pagkapasok niya para lang madala 'yung books ko kahit dala na ni Lucas. Kesho para raw lahat ay may task. Si Lance kupal naman ay taga-tanong lang kung okay na ba 'yung kamay ko. Minsan, siya na rin ang nagawa ng gagawin ko. Pero hindi niya talaga maiwasan na asarin ako dahilan para mahampas ko siya, eh 'di ang ending nakirot 'yung kamay ko dahil nahampas ko siya.


Hindi ko mapigilan, e!


"Ayan Jie, nasulat na kita. Picturan ko lang, ah." Tumango ako kay Micka at ngumiti ako sa kaniya. Nagpasalamat na rin ako sa kaniya kaya ngumiti lang siya sa akin.


Kaonti na lang din naman 'yung kirot ng kamay ko pero sobrang kulit ni Micka, siya na raw ang magsusulat. Science ang subject namin ngayon at aaminin kong hindi ko masyado gusto ang science. Pero okay naman ang grade ko, sadyang mabagal lang utak ko pagdating sa science. Pero minsan, favorite ko ang Science, depende nga lang sa teacher.


"Thank you sa inyong lahat, ah."


Lahat sila ay napatingin sa akin kinabukasan nang magpasalamat ako sa kanila. May masama ba sa sinabi ko? Magaling-galing na kasi ang sugat ko at kaya ko nang igalaw at gumawa ng mga bagay-bagay.


"Ay sus! Wala 'yon! Ikaw pa ba?!" sabi ni Christian at ngumiti ng malawak.


"Oo nga! Wala 'yon! Mabait ka sa amin, eh!" ang sabi naman ni Micka pero nakatitig lang siya kay Lance.


"No worries, girl! I love you!" saad naman ni Nath at nandiri naman 'tong si Micka at Christian kaya natawa ako.


Nag-end na rin ang class namin kaya gumala muna kami sandali sa isang mall at umuwi na rin kaagad. Si Lucas naman ay todo daldal sa akin ngayon. Ang ingay niya! Kung ano-ano ang kinekwento! Tapos tanong ng tanong!

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon